Gawain SURIIN NATIN
Panuto: Basahin at unawain ang talata na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong.
http://www.philippiness.org/sites/ph/files/carnival fiestang
Pista sa Nayon
Sa darating na huling linggo ng Nobyembre ay ipagdiriwang ang pista sa nayon. Bilang paghahanda sa nasabing okasyon, ang karamihan ay abala sa pag-aayos ng
banderitas, naglalagay ng mga palamuti sa mga kalsada at ang iba ay naglalagay ng dekorasyon sa plaza. Ang mga ginang ng tahanan at ibang kababaihan ay masayang nagpaplano ng mga pagkaing lulutuin para sa mga panauhing inaasahang darating, na kinabibilangan ng mga kamag-anak, kaibigan, pulitiko at mga taong simbahan. Nakaugalian na ng mga Pilipino ang pagiging magiliw sa pagtanggap ng panauhin, dahil dito kailangang mapagplanuhang mabuti ang mga putaheng ihahanda kasama na rin ang inumin mula agahan, tanghalian, at hapunan upang maiwasan ang pagkagahol sa oras at makatiyak na maayos at maging kaaya-aya ang pagahahanda ng masustansiyang pagkain na lulutuin.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anong pagdiriwang ang magaganap?
2. Nakadalo na ba kayo sa pagdiriwang na gaya nito? Ano ang inyong mga nakita o
naranasan?
3. Ano-ano ang naiisip mong gawin kapag may mga ganitong pagdiriwang? 4. Paano mo maisasagawa ang mga naisip mong gawin sa mga pagdiriwang na gaya nito?
4. Bakit kailangang paghandaan ang mga nasabing pagdiriwang?
5. Ano-anong kaugaliang Pilipino ang ipinapakita dito?
Kailangan Ko Na po Ito Ngayon
Nonsense=Report Pa Answer ng Matino pls