Kung ang baybay ng apelyido mo ay sa isang Tsino, tulad ng Uytengsu, Gokongwei, Yuchengco, Cojuangco, Tancaktiong, o kaya’y Chuidian, ikaw ay malamang nagmula sa isang Tsinong mangangalakal na nag-asawa ng isang katutubong babae, o marahil mula sa isang mag-asawang Intsik na tumakas noong digmaang sibil sa China bago dumating sa kapangyarihan ang Kumunismo sa bansa noong 1949.
Kung ‘Kastilain’ naman ang iyong apelyido, tulad ng Fernandez, Javier, Villafuerte, Gomez, Santiago, Villanueva, Flores, o Chavez, maaring tunay na dugong Espanyol ang nananalaytay sa mga ugat mo; maliban lamang kung ikaw ay kayumanggi ang balat, mababa (or pandak), at pango. Sa sitwasyong iyon marahil ay ‘hiniram’ lamang ng iyong katutubong ninuno ang inyong apelyido, itinulad sa isang Espanyol na pangalan upang palitan ang inyong orihinal na katutubong apelyido.
Mayroong mga ninuno tayong kinuha naman ang apelyido sa mga popular at banal na santo / santa na humantong sa paglaganap ng mga apelyidong Avila, Gonzaga, De Guzman, Agustin, Del Rosario, De los Santos, De la Cruz, De Jesus,o De la Paz.
Pero kung ikaw ay may katutubong Tagalog na apelyido, tulad ng Liwanag, Tanglao, Bituin, Sicat, Dimalanta, Galang, Bucad, Abalahin, Alindogan, o Magbuo, ikaw ay orihinal na katutubong Filipino at ang iyong ninuno ay marahil ipinagmamalaki ang kanyang angkan na hindi niya binago ang kanyang pangalan kahit may pagkakataon siya noon na gawin ito. Maaari ring ikaw ay nanggaling sa isang marangal at kinikilalang pinuno noong una, lalo na kung ikaw ay may isang apelyidong tulad ng Soliman, Magat, Gatchalian, Gatbonton o kaya’y Gatmaitan.
history of our Surnames:
Ang ating mga ninuno ay wala naman talagang apeyido noong una. Namumuhay sila noon ng payak at walang masasalimuot na bagay na nangangailangan ng pagkaka-kilanlan at walang mga dokumento o patunay na pag-aaring kailangan nilang pirmahan.
Nakikilala ang isang tao, nagkakaroon ng pangalawang pangalan sa maraming paraan; isa ay sa pamamagitan ng kanyang mga magulang, tulad ni: Pedrong anak ni Juan, Mariang anak ni Klara, o Andoy na anak ni Julian. Isa ring pagkaka-kilanlan ay ang kanilang mga hitsura: Pedrong Pandak, Sabel Taba, o Tiagong Kirat. Pwede rin ang kanilang posisyon sa buhay o sa kumunidad: Juan Mayor, Maria Kapitana, o Miguel Mayaman. At ang kung saan sila kilala (their virtues): Juan Tamad, Goryong Barako, Mariang Maganda.
Hindi gusto ng mga Kastila noon ang mga ninuno natin sa paggamit nila ng mga pangalang kaka-iba. Hindi rin nila maintindihan na mayroong maramihang mga apelyido sa loob ng parehong pamilya, at kung minsan ay may mga matitigas ang ulong ninuno natin na nagpapatuloy sa pagsulat at pag-pirma ng kanilang mga pangalan sa sinaunang (prehispanic ) baybayin o kulitan (Alibata) script, na hindi rin nila mabasa.
Naging suliranin para sa mga Espanyol na awtoridad noon na magsagawa ng isang senso (census) dahilan sa kaka-iba (and inconsistent) na mga apelyido. Nahirapan din silang magsagawa ng isang epektibong batas para sa ng pagtatakda o pagpapataw ng buwis (tax collection system).
Dahilan dito, noong Nobyembre 21, 1849, nagpalabas ang noo’y gobernador-heneral ng Pilipinas, Narciso Claveria y Zaldua, ng isang kautusang nagtatakda para sa mga katutubong Filipino na magkaroon ng apelyido. Ayon sa kautusan, ang tanging pinapayagang apelyido lamang sa kolonya ay ang mga nakapaloob sa aklat na " Catalogo Alfabetico de Apellidos " (Alphabetical Catalog of Surnames). Anumang apelyido na hindi kabilang sa talaan sa aklat ay dapat palitan ng isa sa matatagpuan dito, maliban kung may maipapakitang katibayan na ginagamit nila ito ng hindi bababa sa apat na magkakasunod na henerasyon. Pinapayagan namang hindi magpalit ng apelyido ang isang katutubo kung ang dati na niyang apelyido ay hinango sa isang santo, o santa.
0 votes Thanks 1
yzabellagryn
thank you very much for helping me because I really need it
Answers & Comments
Answer: