C. Panuto: Sumulat ng isang tula kung paano labanan ang pandemyang ating nararanasan sa kasalukuyan. Ang tula ay dapat may tugmaan at binubuo ng dalawang saknong na may tig-apat na linya o taludtod.
Sa panahon ngayo'y ingatan ang sarili Dahil biktima ng virus ay sadyang dumarami Mapabata man o matanda, walang pinipili Kaya paalala ko'y sa tahanan ay manatili
Paghuhugas ng kamay ay ating ugaliin Kung aalis man, alcohol ay baunin Mga paalala sa TV ay ating sundin Ito'y para rin sa kaligtasan natin.
Huwag hahayaang matuyo ang lalamunan Pag-inom ng tubig ay huwag ipagpaliban Iwasan ang malamig at baka makasanayan Pag-iingat sa sarili ay pahalagahan.
Sa mga estudyanteng lubhang nagsasaya Dahil sa pagkansela ng pasok sa eskwela Alamin ang dahilan at huwag basta tumawa Pagpasa ng iyong grado'y h'wag sa virus iasa.
Answers & Comments
Sandy Panganiban
Sa panahon ngayo'y ingatan ang sarili
Dahil biktima ng virus ay sadyang dumarami
Mapabata man o matanda, walang pinipili
Kaya paalala ko'y sa tahanan ay manatili
Paghuhugas ng kamay ay ating ugaliin
Kung aalis man, alcohol ay baunin
Mga paalala sa TV ay ating sundin
Ito'y para rin sa kaligtasan natin.
Huwag hahayaang matuyo ang lalamunan
Pag-inom ng tubig ay huwag ipagpaliban
Iwasan ang malamig at baka makasanayan
Pag-iingat sa sarili ay pahalagahan.
Sa mga estudyanteng lubhang nagsasaya
Dahil sa pagkansela ng pasok sa eskwela
Alamin ang dahilan at huwag basta tumawa
Pagpasa ng iyong grado'y h'wag sa virus iasa.