Questions


January 2023 1 0 Report
buodModyul 1: KUWENTONG-BAYAN:SI SAMGULANG AT SI NGA DATU TO SABENG Si Samgulang at si Nga Datu To Sabeng Kuwentong-Bayan ng mga Blaan Isang gabi habang natutulog si Samgulang sa loob ng kaniyang kulambo ay napanaginipan niya ang kaniyang asawa na tinanan at dinala sa lugar ng Mahin Lgiling ni Nga Datu To Sabeng. Nabigla si Samgulang na sa kaniyang pagbangon ay wala na ang kaniyang asawa. Mabilis na nanghilamos at saka hinampas ang agong. Narinig ng mga kapatid niyang babae ang tunog ng agong. “Narinig ba ninyo ang tawag ni Samgulang? Lahat tayo ay kailangang pumunta sa Lemlunay para kumustahin siya!,” sabi ni Knaban sa mga kapatid. Agad namang naghanda ang walong magkakapatid. Sumakay sila sa kani-kanilang kabayo papuntang Lemlunay. Agad sinalubong ni Samgulang ang mga kapatid at sinabi, “Halina mga kapatid, babawiin ko ang aking asawang si Salo Minum. Inagaw siya ni Nga Datu To Sabeng.” “Sasama ako sa iyo kapatid ko. Ano man ang mangyari sa iyo basta nasa likuran mo lang ako,” sabi ng kapatid na si Knaban. Agad umalis sina Samgulang at Knaban patungong Mahin Lgiling. Pagdating nila, agad nagpatayo ng kubong pansamantalang titirhan sa pakikipagdigma. Sa umpisa ng labanan nina Samgulang at Nga Datu To Sabeng, inutusan ‘ni Knaban ang kapatid ng gumawa ng lindol. Hindi natakot si Nga Datu sa ginawang lindol ni Samgulang. Dahil dito lalong nagalit si Samgulang. Inutusan niyang bumaba si Nga Datu upang sila ay magtutuos. Agad namang binigyang proteksyon ni Nga Datu si Salo Minum gamit ang kaniyang pananggalang. Nabigla sila nang may nahulog na kumikinang na tungkod sa kanilang pagitan at narinig nila ang boses ng matandang lalaking nagsasabing, “Tigilan ninyo ang pag-aaway. Kayo ay magkapamilya.” Inagaw ni Nga Datu si Salo Minum dahil hindi pa siya makalakad, mahina pa ang kaniyang tuhod, kailangan pa niyang sumuso sa kaniyang ina. Biglang lumuha si Samgulang dahil ang narinig niya ay boses ng kaniyang lolo. Tumayo siya at binuhat si Nga Datu paakyat sa bahay. Umupo sila sa tabi n

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.