Buod ng Maikling Kwentong "Ang Ama" ni Mauro R. Avena Kapag naghihintay ang mga bata sa kanilang ama ay laging may halong takot. Paminsan-minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa at hindi nagbibigay Ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malalakas na bata lamang mapupunta ang lahat at ni katiting ay walang maiiwan sa malillit Ang Mga Bata Anim lahat ang mga bata Ang pinakamatanda ay isang lalaking 12 anyos Isang babaeng 11 anyos, kahit na payat ito ay matatapang pa rin at kapag wala ang ina ay sila nal ang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit Dalawang lalaki ang kambal, 9 anyos Isang maliit na babae, 8 anyos Isang 2 anyos na maliit pa lamang. Lahat ng mga bata ay maiingay, naghahangad na mabigyan ng parte sa pinag-aagawan. Isa o dalawang beses lang itong naulit at hindi na naulit ang pag-uwi ng ama na may dalang pansit guisado. Mapalad pa ang mga bata kung ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang ina. Kapag uuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog ay tiyak na walang pagkain. Ang mga bata ay nagsisiksikan sa dahilan ng takot na makagawa ng ingay na nakakainis sa ama at umaakit sa malaking kamay nito na dumapo sa kanilang mukha. Madalas din na masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng bahay para maglaba. May isa sa mga bata ang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang Mui-Mui. Alam nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos ng ama at ito ay sisigaw kapag 'di pa huminto, ito ay lalapit at hahampasin ng buong lakas ang bata Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil nasisante sa trabaho sa lagarian. Hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata si Mui-Mui at biglang bumagsak na lamang ang kamao ng ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan matagal na nanatiling walang kagalaw-galaw. Nahimasmasan ng ina ang batang si Mui-Mui dahil sa malamig na tubig Pagkamatay ng Anak Pagkaraan ng 2 araw ay namatay si Mui-Mui at ang ina lamang ang umiiyak habang inihandang ilibing sa sementeryo ng nayon na mayroong isang kilometrong layo sa tabi ng gulod. Ang ama naman ay buong araw na nagmumukmok. May isang babaeng umiikot upang mangolekta ng abuloy at pilit itong inilagay sa palad ng ama na nagsimulang humagulhol. Papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman itong lasing. Ang Pagsisisi Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot na may mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa. Pumasok ang ama sa kwarto at 'di nagtagal lumabas. Kinuha nito ang maliit na supot at lumabas ng bahay. Sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod. Lumuhod ito at kinuha ang laman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod. Madilim na ang langit at malapit nang umulan pero patuloy pa rin ang ama sa pagdarasal at pag-iyak.

SIMULA_________________
SAGLIT NA KASIGLAHAN___________
TUNGGALIAN___________
SULIRANIN_________
KASUKDULAN___________
KAKALASAN_________
WAKAS__________
TAGPUAN AT TAUHAN_________
HALAGAHANG PANGKATAUHAN_____


PABRAINLY PO PLSSSS KAILANGAN LANG PO HANGGANG BUKAS​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.