BUOD NG KWENTO NG IBONG ADARNA
Matagumpay na nakaakyat mula sa ilalim ng balon si Don Juan kasama ang magkapatid na si Donya Juana at Donya Leonora. Napahanga ang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego sa natamasang tagumpay ni Don Juan. Labis ang inggit na nadama ni Don Pedro. Lalo na’t nabighani siya sa ganda ni Donya Leonora. Nagkataon na nalimutan ni Donya Leonora ang dyamanteng singsing na ipinamana sa kanya ng kanyang ina kaya naman minabuti ni Don Juan na balikan ito. Nakahanap ng pagkakataon si Don Pedro na pagtaksilan muli si Don Juan. Kaya naman ng muling bumaba ito sa balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid na ginagamit nito. Naging dahilan ito ng pagkahulog ni Don Juan sa malalim na balon. Laking gulat ni Donya Leonora sa ginawang pagtataksil ni Don Pedro kaya naman hinimatay ito. Nang magkamalay si Donya Leonora ay napansin niya na hawak siya ni Don Pedro. Pinangakuan siya nito na magiging reyna siya ng kaharian ng Berbanya ngunit si Don Juan pa rin ang kanyang nasa isip. Walang magawa ang dalaga kundi humingi ng tulong sa kanyang alagang mahiwagang lobo. Ipinagbilin niya sa lobo na hanapin at iligtas si Don Juan. Sa kabutihang-palad naman ay nakita ng lobo si Don Juan at agad itong tinulungan. Si Don Pedro at Don Diego naman ay bumalik na sa kaharian ng Berbanya kasama sina Donya Pagbalik sa kaharian ay hinanap ng hari ang bunsong anak ngunit sinabi ni Don Pedro na hindi nila ito nakita. Batay sa kanyang pagsasalaysay, ang kanilang natagpuan ay ang dalawang dalaga na kanilang kasama. Ipinagmalaki niya na iniligtas nila ang dalawang dalaga sa kapahamakan. Doon ay nakalaban nila ang isang higante at nakapatay sila ng serpyente na may pitong ulo. Humingi si Don Pedro ng pahintulot sa hari na mapakasalan ang dalawang dalagang kanilang nakilala. Ngunit tumutol si Donya Leonora sa balak ni Don Pedro. Sinabi nito na hayaan muna siya na gawin ang kanyang panata na tatagal ng pitong taon at hiniling din na bigyan ito ng sariling silid. Iginalang ng hari ang kagustuhan ng dalaga at pumayag siya sa kahilingan ni Donya Leonora. Samantala, ipinag-utos naman ng hari na ikasal sina Don Diego at Donya Juana. Sa kabundukan naman ay tuluyan nang gumaling si Don Juan at ito ay nagdesisyon nang bumalik ng Berbanya. Hindi niya nalimutan na manalangin sa Panginoon upang siya ay gabayan. Sa kanyang paglalakbay ay saglit itong namahinga sa isang mayabong na puno. Doon ay nagkitang muli sila ng Ibong Adarna. Inihayag ng Ibong Adarna ang dahilan ng kanyang pag-alis sa Berbanya. Sinabi niya na ginawa niya ito upang mailigtas si Don Juan sa kapahamakan sa kamay ng kanyang dalawang kapatid. Pinayuhan din siya ng ibon na kalimutan na ang pag-ibig kay Donya Leonora at sa iba ibaling ang kanyang pagmamahal. Itinuro niya ang Reino delos Cristales kung saan mahahanap niya ang isang napakagandang dalaga na nagngangalang Donya Maria Blanca. Sinunod ni Don Juan ang payo ng Ibong Adarna at agad itong naglakbay. Habang si Don Juan ay nilimot na ang pag-ibig kay Donya Leonora, ang dalaga naman ay hinihintay ang pagbabalik ng binata. Hindi niya kayang tanggapin ang alok na pagpapakasal kay Don Pedro dahil si Don Juan lang ang tangi niyang iniibig.


Tanong:
1. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Donya Leonora, paano mo haharapin ang kabiguan na iyong naranasan? _________________________________________________________________
2. Sa kasalukuyan, may mga magkakapatid pa rin bang hindi nagkakasundo dahil sa inggit? Patunayan. _________________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.