Sinasabing kaapu-apuhan ni Aeneas si Augustus. Pinagkaabalahan ni Vergil ang pagsulat nito ng higit sa sampung taon. Inibig sana niyang pagtuonan pa ito ng dagdag na tatlong taon para painamin pa at gumagawa ng mga pagbabago, subalit binawian siya ng buhay noong 19 BK. Nang nasa kaniyang himlayan na, bago sumakabilang-buhay, hinihingi niya ang sulating ito para tangkaing sunugin, sapagkat hindi ito isang walang-bahid dungis na gawa para sa kaniya. Ngunit tumanggi ang kaniyang mga kaibigang ibigay ito sa kaniya. Nalathala ito ng ayon sa pagkakaiwan ni Vergil, ang anyo ng akda noong mamatay na nga siya. Inatasan ng emperado na si Augustus ang dalawa sa mga kaibigan ni Vergil na ayusin at ilathala ang Aeneis ni Vergil.
Answers & Comments
Answer: