Buod Dahil sa isang masamang panaginip ay dinapuan ang haring si Don Fernando ng malubhang sakit. Nakita ng hari sa panaginip na pinaslang si Don Juan ng dalawang buhong at inihulog sa malalim na balon. Mula noon ay hindi na nakatulog ang hari at hindi na halos makakain hanggang sa maging buto't balat. Labis ang naging pag-aalala ng reyna at ng tatlong prinsipe dahil walang sinumang makapagbigay ng lunas sa hari. Dumating ang isang medikong paham na nagsabing ang sakit ng hari ay bunga ng panagimpan at ang tanging lunas ay ang awit ng isang ibong matatagpuan sa bundok ng tabor at nakadapo sa kumikinang na puno ng Piedras Platas. Sa Gabi lamang daw matatagpuan Ang ibon sapagkat sa araw ay nasa mga burol ito upang manginain Kasama Ang iba pang mga ibon​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.