Kung ikaw ay makakapasok sa loob ng yungib, iyong matatagpuan ang mga bilanggong hindi tiyak kung bakit sila narito. Ang mahigpit na kadenang nakalagay sa kanilang kamay at paa gayoon din sa ulo upang hindi nilang magawang lumingon sa likuran at tanging ang mga aninong nalilikha mula sa liwanag ng apoy ang kanilang pinagmamasdan at inaalam. Sila'y alipin ng kahirap at kawalan ng kaalaman sapagkat ang kanilang naging paniniwala ay parang mga anino lamang. Ngunit isang bilanggo ang nakatakas, siya'y lumabas ng yungib at namangha gayoon din ay hindi makapaniwala na ang lahat ng nasa labas ng yungib ay hindi lamang mga aninong nililikha nino man. Ito'y tungkol sa kawalan ng edukasyon o kaalaman at ang katotohanan. Kung inyong iisipin ay naniniwala lamang sila sa ayon sa kanilang nakikita at hindi manaliksik kung ito nga ba ay may katotohanan. Kung inyo namang iuugnay sa ating kasaysayan ay maaaring ganito rin ang nangyari sa atin noong panahon ng pananakop kung saan tayo'y naging mangmang sa pag-alam ng katotohanan at laging pagtanaw sa ningning at hindi sa liwanag upang makalaya.
Answers & Comments
Answer:
ito'y isang liblib na lugar na nasa ilalim ng lupa