Answer:
"NASAKTAN"
Kasalanan nga ba ang mahalin ka?
Bakit kailangan pang may lumuha?
Kailan naging sakim ang pag-ibig?
Bakit sa puso ko'y nagdulot lang ng sakit?
Kung ang pagsinta mo''y pasanin,
Ilang kirot at lumbay ang aking titiisin?
Araw-araw naging parusa ang iyong panlalamig,
Ako ang nagdusa't patuloy na naliligalig.
Naging pasyente ang puso ko sa 'ting pagmamahalan,
Palaging nalang sawi't nasasaktan.
Yaong tipong naging imbakan ako ng pasakit,
Walang lunas at ginhawang maaakit.
Puso ko'y sumisigaw "Tama na!",
Ngunit anino'y bumubulong, "Kakayanin ko pa."
Naging martyr ako para lang sa iyo,
Ngunit, kailan mo mapapansin na nasasaktan din ako?
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments