Questions


November 2022 1 1 Report
Bukal Sa Kalooban
Magdadalawang taon lamang ang pamilya Cruz sa pook na iyon ng llaya subalit
marami na silang kaibigan at kakilala roon. Masisipag ang mag-anak na ito at lagi
silang magkatulong sa lahat ng gawain sa bahay. Masasaya sila lagi at malapit sa isa't
isa. Tuwina'y magkakasama sila sa lahat ng lakad o okasyon tulad ng pagsisimba
linggu-lingo
Isang araw ng Linggo, pagkagaling sa simbahan may napuna ang pamilya.
Maraming tao sa bahay na katapat ng sa kanila. Bakit kaya, ano ang nangyari?" balisang tanungan ng pamilya sa bawat isa
Halina, mga anak. Pumasok na tayo ng bahay bago mag-usisa, "taboy ng
ama sa mga anak papasok sa bakuran.
Tila namatayan yata sila, Itay! Inay!" halos isang tinig na anas ng mga anak.
Napakabilis talaga ng pakiramdam ninyo mga anak. Hayaan ninyo at
malalaman din natin. Bilisan ninyo at magpalit na kayo ng damit-pambahay," ang tila
ninenerbiyos na utos ng ina.
Kumain lamang ng tanghalian ang mag-anak at nagpahinga pasumandali
matapos magligpit nang pinagkainan ang mga bata. Pagkatapos humanda na sila sa
paglipat sa katapat-bahay. Nalungkot ang mag-anak nang malamang pumanaw na
ang ina ng tahanan sa tapat. Leukemia ang ikinasawi nito. Naiwan ang matanda na
nitong asawa at isang anak na binata.
Matapos tumulong sa pag-aasikaso sa bahay at sa mga nakiramay, nagpaalam
na rin ang mag-anak na Cruz. Bago bumaba sa hagdanan, palihim na iniabot ni G.
Cruz ang isang puting sobre na may lamang kaukulang tulong sa nagdadalamhating
pamilya.
Kinagabihan isinama ng mag-anak na Cruz sa kanilang pagdarasal ang
katahimikan ng kaluluwa ng namayapa at ang patuloy na pamumuhay nang maayos
ng mga naiwan. Matapos ang pagdarasal ng pamilya, nagpabili pa ng isang kahong
mainit na pandesal sa panaderya ang mag-asawang Cruz upang maiambag pa ito sa
mayan nang gabing yaon.
Mapayapang nakatulog nang mahimbing ang mag-anak na Cruz,
1. Ano ang ginawa ng mag-anak na bukal sa kanilang Kalooban? bakit?Kaya mo ba itong gawin sa totoong buhay mo?
2. Sa papaanong paraan? Magbigay ng halimbawa
3. Ginawa mo ba ito sa totoong buhay?
​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.