Answer:
Buhanging Hindi Maubos-ubos ni Analyn Marie A. Guivencan,
Isa sa pinagkukunang yaman ng bayan ng San Marcelino sa Zambales ay ang quarry.
Ang pag-quarry ay isang proseso ng pag-alis o pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba
pang mineral na nagmumula sa lupa at ginagamit na materyales sa paggawa ng mga gusali at
iba pang imprastraktura. Ang paraang ito ng pagkuha ng buhangin ay nananatili magpasa
hanggang ngayon kahit maraming taon na ang nakalipas. Madami ng trak ng buhangin ang
nahakot at pabalik-balik sa pagkuha dito. Iba't ibang negosyante na din ang pumupunta at
kumikita dahil dito.
Ang buhangin sa bayan ng San Marcelino ang pinagkukunan ng mga negosyante sa
kanilang quarry. Ito ay dulot ng pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991. Ang mga lahar na
ibinuga ng bulkang Pinatubo ang sanhi ng paglubog ng ilang barangay sa San Marcelino. Sa
kabila ng masamang idinulot ng pagsabog ng bulkan, may mabuti pa rin itong naidulot sa
ekonomiya ng bayan. Ang lahar na tumabon sa mga kabahayan, ngayon ay isang malawak nang
buhanginan.
Ang mga tao sa bayang ito ay nagtataka bakit tila hindi maubos ang mga buhangin dito.
Sa panahon ng tag-init, makikita ang malalim na hukay na dulot ng paghahakot ng buhangin ng
malalaking trak. Ngunit pagsapit ng tag-ulan, ang malalaking hukay na ito ay nawawala sa tuwing
madadaanan ng tubig baha. Sa oras na humupa ang tubig baha, nanunumbalik sa pagiging
patag ang buhanginan sa dati nitong anyo na tila dumami pa at hindi nakuhanan ng buhangin.
Dahil dito, ito'y maituturing na likas na yaman ng bayan.
Explanation:
i hope it helps, correct me if I'm wrong
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments