1. Alamin ang suliranin - Mahalagang matukoy ang tunay na suliranin upang ito ay masuri ng mabuti. Alamin ang pinaka-ugat ng suliranin. Mas mainam kung maisusulat mo ito.
2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon - Isipin ang maaring maging solusyon sa suliranin. Alamin ang mga paraan upang maging madali ang paglutas nito. Isipin ang mga taong maaring makatulong sa paglutas nito.
3. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon - Mula sa mga itinalagang solusyon sa suliranin, isipin ang maaring maging kalabasan o kahihinatnan. Mabuting malaman ang mga ito upang maging handa rito at maiwasan ang pagsisisi sa maaring kahihinatnan ng naisip na solusyon.
4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga - Isipin ang mga pagpapahalagang pampamilya at pansarili. Alalahaning hindi ka lamang kumikilos para sa paglutas ng suliranin kundi isinasaalang alang mo rin ang kabutihan ng iyong pamilya at sarili.
5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon - Magpasya at isagawa ito. Huwag mag-alinlangan dahil alam mong ito ay iyong pinag-isipan, sinuri at pinahalagahan. Lakasan ang loob at manalanging maisakatuparan ang pasya ng maayos.
6. Pag-aralan ang kinalabasan - Timbangin ang naidulot na kabutihan at ginhawa sa sarili at sa pamilya. Kung nagkaroon ng pagkukulang sa plano, maaring iangkop ang nararapat na pagbabago.
Answers & Comments
Answer: