Questions


February 2022 1 9 Report
BRAINLIEST ANSWER PLS

SURIIN NATIN Basahin at unawain ang diyalogo na nasa ibaba. Isang umaga inutusan si Inday ng kanyang amo na si Madam upang mamalengke. Narito ang kanilang usapan. Madam: Inday, halika at ikaw ay uutusan kong mamili sa palengke. Inday: Opo, madam, kukuha lang po ako ng papel at bolpen para mailista lahat ng inyong ipabibili. Madam: Mahusay at marunong ka na ngayon. Inday: Kasi po dati, lagi niyo akong napagagalitan dahil pag-uwi ko ay kung hindi kulang ay sobra naman po ang pinamili ko. Madam: Buti naman at gumagawa ka ng paraan upang ikaw ay maging mahusay na mamimili. Inday: Salamat po madam. Madam: Maliban sa listahan, paano mo malalaman kung mura, sariwa at masustansiya ang mga sangkap na bibilhin? Inday: Ano-ano po ba ang aking bibilhin, at paano ko po malalaman na ito ay mura, sariwa, at masustansiya? Madam: Makinig kang mabuti at tandaan ang aking sasabihin. Narito ang dapat mong piliin sa mga sumusunod na sangkap: Bigas- buong-buo ang mga butil walang mga bato, palay, at kulisap na gumagapang, tuyo, mabigat, at malinis kung hahawakan, walang di kanaisnais na amoy. Bungang-butil (monggo, patani at beans)- pareho ang laki ng mga butil. Tuyo ngunit hindi kulubot ang balat. Sa mga butong gulay kagaya ng sitaw, baguio beans at bitswelas – sariwa, makinis at walang butas, madaling mabali ang dulo. Lamang-Dagat – buhay at gumagalaw pa, sarado at malinis ang talukap ng tahong, tulya at halaan. Gulay – malago, matigas o malutong, berde ang kulay, walong galos, walang sira o hindi kinainan ng uod. Itlog- magaspang ang balat, hindi umaalog, malinaw ang loob kung itatapat sa liwanag. Isda- malinaw ang mga mata, makintab ang kaliskis at dikit sa laman, mapula ang hasang at walang masangsang na amoy. Karne- walang masangsang na amoy, walang guhit o mantsang maitim sa kalamnan, mamula mula at natural ang kulay, malambot at siksik ang laman. Manok-siksik ang laman, manilaw nilaw ang taba, walang masamang amoy, walang tubig sa pagitan ng laman at balat. Prutas- mabigat ayon sa kanilang laki, walang hiwa sugat o butas. Inday: Sige po Madam, alam ko na po at inilista na ang iyong mga paalala, aalis
na po ako.
Madam: Sige Inday at mag-iingat ka lagi ka at maging alerto at mapanuri.
Inday: Salamat po. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang binasang diyalogo?_________________________________
2. Ano ang ginawa ni Inday nang malaman niyang uutusan siyang mamili?
_____________________________________________________________________
3. Tama ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
_____________________________________________________________________
4. Anong pag-uugali ang ipinakita ng amo at ni Inday?
________________________________________________________________________
5. Ayon sa diyalogo, mahalaga ba na malaman ang pagpili ng sariwa, mura
at masustansiyang sangkap?
_____________________________________________________________________
6. Kaya din ba ninyong isagawa ang mahusay na pagpili ng sariwa, mura at
masustansiyang sangkap? Sa paanong paraan?
_____________________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.