Questions


September 2022 1 4 Report
B.Panuto: Basahing mabuti ang buod ng dokumentaryong "Paraisong Salat" ni
Kara David. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Paraisong Salat
Bughaw na tubig, puting buhangin, nag-aagaw na pula at kahel na langit.
Mayaman sa mga kahanga-hangang kulay ng kalikasan ang "Eleven Islands", isang
grupo ng isla sa katimugang Zamboanga Peninsula. Ngunit ang nakabibighaning
paraiso ay larawan ng karukhaan: walang tubig, walang kuryente, walang paaralan o
health center. Dating lagusan ng mga rebelde at pirata, ang Eleven Islands ay saksi at
biktima ng maraming taong bakbakan sa Mindanao.
Sa edad na 14, araw-araw nagsasagwan ng bangka si Sarfaina Bakil. Bilang
panganay sa siyam na magkakapatid, nakaatas sa kanya ang pinakamahirap na
gawaing bahay: ang mag-igib ng tubig sa kabilang pampang. Halos isang oras niyang
binabaybay ang Moro Gulf at umaabot naman ng dalawang oras ang pila ng tubig para
sa mga residente ng Zamboanga. Pagbalik niya ng isla, marami pang gawaing
naghihintay... ngunit kailanman ay hindi nagreklamo si Sarfaina. Hindi siya nawawalan
ng pag-asa. Kung kaya't kahit matanda na para sa Grade 4, matiyaga siyang bumalik
sa pag-aaral. Ito ang susi sa kanyang mga pangarap.
1.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa paraisong pinag-usapan
sa dokumentaryo?
a. Makulay na langit c. Puting buhangin
b.Bughaw na tubig d. Lahat ng nabanggit
2. Saan matatagpuan sa Pilipinas ang paraisong salat na tinutukoy sa
dokumentaryo?
a. Jolo b. Palawan c. Zamboanga d. Batanes
. Bakit tinawag na paraisong salat ang lugar na ito?
a. Sagana sa ani ang lugar c. Maraming mapagkakakitaan.
b. Mayaman sa tubig.
d. Malimit sa mga pangunahing pangangailangan.
. Ano ang malaking balakid ng mga mag-aaral sa lugar na ito?
a. Pagtawid sa dagat sa pagpasok sa paaralan. c. Pagpasok ng walang gamit.
b. Paglalakad ng napakalayo.
d. Pag-aaral ng walang ilaw.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga gawain ni Sarfaina Bakil maliban sa isa.
Alin dito?
a. Mag-igib ng tubig
C. Araw-araw nagsasagwan ng bangka
b. Naglalako ng tindang gulay
d. Nagtitinda ng isda bago pumasok​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.