1. Editoryal - Ito ay mahalaga sa anumang pahayagan. Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal.
2. Balitang Pandaigdig - Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
3. Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita - Ito ay ang balitang nakaimprenta nang malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag pansin sa mga mambabasa. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan
4. Balitang Pampamayanan - Naglalaman ito ng mga balita tungkol sa mga pangyayari o mga proyekto sa iba’t ibang dako ng bansa.
5. Panlibangan - Dito nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa telebisyon, sinehan, at mga teatro at pitak artista.
6. Palakasan - Naglalaman ang bahaging ito ng mga balitang may kinalaman sa larangan ng palakasan maging sa loob o sa labas ng bansa.
7. Obitwaryo - Nababasa rito ang anunsyo ng pagkamatay ng isang tao na ibig ipagbigay- alam sa kanyang mga kamag-anak o mga kaibigan.
8. Anunsyo Klasipikado - Dito mababasa ang mga kalakal na ipinagbibili, mga pinauupahan, talaan ng mga espesyalista, o pagkakataon sa pagtatrabaho.
9. Enterteynment - Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay hindi kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na pangyayari lamang. Marahil ay pinakamalayang bahagi ng pahayagan. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism, reviews, entertainment at culture pages ay nasa anyong lathalain.
Answers & Comments
Answer: