Ang Pagpupulong (Pormal at Di Pormal) at Paggawa ng Katitikan nito Ayon kay Caraga (2015) ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu. Tumatawag tayo ng pagpupulong kung kailangan nating makapangalap ng impormasyon at ideya, magbigay ng mga impormasyon, o hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon. Sa mga pormal na pagpupulong, tulad ng mga miting sa barangay, o pagtitipon ng mga magulang at guro sa eskwelahan, may mga angkop na pananalitang ginagamit. Samantala, ang di-pormal na pulong naman ay uri ng pagpupulong na kung saan ay hindi masyadong pinapansin ang salitang ginagamit sapagkat isinagawa lamang ito sa paraang di masayadong napagplanuhan tulad ng biglaang pagkikita ng mga magkakaibigan o kaya naman pagtitipon ng mga magkakapitbahay upang pag-usapan ang isang suliranin o isyu. May mga angkop na pananalita na ginagamit para maging maayos, mahusay, at produktibo ang pamamahala o daloy ng isang pulong. Ang mga pormal na pananalita na ginagamit sa pagpupulong ay maaaring gawaing simple subalit hindi naman nababago ang kahulugan nito. Halimbawa nito ay "Maging matahimik na upang masimulan na ang pagpupulong." at "pinagtibay ang mungkahi”. Ang mga pananalitang ito ay nakatutulong upang maging maganda ang takbo ng pulong, maging maayos ang mga gawain, at aksyon sa pagpupulong
Answers & Comments
Answer:
Explanation: