Questions


September 2022 1 1 Report

Binabagabag si Celso ng mga katanungan niya sa buhay tungkol sa
palaging pag-aaway ng kanyang mga magulang, lalo ang pag-iyak ng
kanyang ina at ang lambat ng kanyang ama. Naging palaisipan kay Celso
ang lambat sapagkat nang itinapon ito ng kayang ina, pinagbuhatan ng
kamay ng kanyang ama ang kanyang ina, at muling ipinabalik ang lambat
sa kinasasampayan nito.
At hindi makalimutan ni Celso ang sinabing ito ng kanyang ina sa
pag-aaway nila ng kanyang ama, “ Hanggang ngayon ba’y hindi ka pa
nakalilimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang
ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw.
Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang
inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na
nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala.
Ikaw ang aking iniibig Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?”
Isang beses ay nagtungo si Celso sa tabi ng dagat upang hintayin ang
kanyang ama ngunit nahalina siya sa tunog ng naggigitara at pinuntahan
niya ito sa bahay-pawid na iyon. Nagulat siya dahil kamukha niya ang
lalaking tumutugtog.
Dumating ang kanyang ama at naabutan siya nitong nasa lugar na
iyon na ipinagbabawal ng kanyang ama, nanlilisik ang mga mata ng ama ni
Celso at siya ay napagbuhatan ng kamay.
Umuwi si Celso, humarap sa salamin, doon niya napagtanto ang lahat
ng gumugulo sa kanyang isip. Kumuha siya ng itak at pinagtataga ang
lambat ng kanyang ama.
Nabigla ang mga magulang ni Celso sa kaniyang ginawa. Nilapitan
siya ng kanyang ama, bigla na lamang siyang napatimbuwang nang tamaan
ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong lambat, hanggang sa
mawalan siya ng malay.
Sa kanyang pagkakamalay naramdaman na lamang niya ang
mainit na mga bisig na yumayakap sa kanya. Sumalubong sa kanyang
paningin ang maamong mukha ng kanyang ama at nakita niya ang
pagsisisi at pag-unawa sa mga matang iyon.
Paalam sa Pagkabata
salin ni Nazaren D. Bas
sa “Panamilit sa Kabantanon” ni Santiago Pepito
1. Sa palagay ninyo, ano ang pinagtatalunan ng mag-asawa? *
A. Ang lambat na kung saan laging nakatitig ang ina ni Celso.
B. Ang madilim na alaala ng nakaraan na may kinalaman ang lambat.
C.May nagawang kasalanan ang kanyang ina sa kanyag ama.
D. May nagawang kasalanan at kahihiyan ang kanyang ina.
2.Ang dahilan ng pagtanggi ng ama ni Celso ng hindi pag-alis ng lambatsa sampayan ay ______________. *
A. nagsisilbi itong alaala sa pagkatao ni Celso.
B. . nais ipaalala at pahirapan ng kanyang ama ang damdamin ng kanyang ina
C. nais ipaalala ng kanyang ama ang ginawang mali ng kanyang ina.
D. nais ipaalala ng kanyang ama sa kanyang ina ang mga pangyayari sa nakaraan
sa nakaraan.
Other:
3.Batay sa ikalimang talata, ano ang mahihinuha mong natuklasan ni Celso *
A. Ama niya ang lalaki sa bahay-pawid kung kaya’t naunawaan na niya ang laging pag-aaway ng kanyang mga magulang.
B. Ang kinilala niyang tatay ay hindi niya tunay na ama.
C.Ang lalaking nakatira sa bahay-pawid ay ang kanyang tunay na ama
D. Ang lalaki sa bahay-pawid ay kapatid ng isa sa mga magulang ni Celso
4. Ano ang mahihinuha mong dahilan ng pagwawala ni Celso? *
A. galit siya sa lalaking nakatira sa bahay-pawid
B.hindi siya nakadama ng pagmamahal sa kinilalang ama gayong wala siyang kasalanan.
C.hindi siya natanggap ng kanyang kinilalang ama gayong wala naman siyang kasalanan
D.sinisisi niya ng kanyang sarili sa nangyari sa nakaraan.
5.Ano ang ipinapahiwatig ng wakas ng akda? *
A. pagbabago ng kanyang kinilalang ama
B. pagsisisi ng kanyang kinilalang ama
C. paghingi ng pag-unawa ng kinilalang ama sa kanyang mga nagawang mali
D. paghingi ng pag-unawa at pagtanggap sa kanya ng kinilalaang ama.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.