Questions


October 2022 1 4 Report
Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.
6. Mahina ang boses ng guro nila.
7. Ang kendi na ito ay matamis.
8. Hinog na ba ang mga mangga?
9. Kanina pa gising ang sanggol.
10. Itipon mo ang mga diyaryo na luma.

Isulat kung ang nakalimbag na salita ay pang-uri o pang-abay.
11. Maraming ibinahaging kuwento sa amin ang masayang bata.
12. Ang magandang mananayaw ay dumating na.
13. Magandang sumayaw ng katutubong mga sayaw si Elena.
14. Maagang gumising ang kanyang anak upang pumasok sa paaralan.
15. Matiyaga ang aking pinsan.

Salungguhitan ang pang-abay o pariralang pang-abay sa bawat pangungusap.
16. Tutulungan ako ni Ate Sheila mamayang gabi.
17. Ang bangko ay matatagpuan sa dulo ng Ayala Avenue.
18. Talagang nakakainis ang mga taong makukulit.
19. Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan.
20. Ang mga magulang ni Anna ay napakabait at bihirang magalit.

Kilalanin ang mga salitang may salungguhit kung ito ay pang-abay na pamaraan, pamanahon o panlunan. Isulat ang
sagot sa patlang.
21. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.
22. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.
23. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San Martin.
24. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.
25. "Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?" tanong ni Aling Dina.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.