Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa pag unlad ng ating bansa?
Bilang isang mag-aaral, naniniwala ako na may malaki akong papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ating bansa. Kahit ako'y bata pa lamang, maaari na kong makatulong sa iba kahit sa kaunting halaga o di kaya'y sa mga mabababang gawain.
Masasabi ko na naniniwala ako na mayroon akong malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ating bansa ay dahil sa aking mga talentó't kakayahan tulad na lamang ng pagkamalikhain, kahusayan sa pag-aaral,talino sa pagsasalita at pagsusulat, kahusayan sa pamumuno,pagbóboluntaryo sa mga mamamayan at iba pa. Dahil sa paggamit ko ng aking mga talento sa kabutihan, nagagawa kong tumulong sa iba at higit sa lahat, pasiyahin ang ating Panginóon.
Ang lahat ng mga salik na ito ay maaaring magbigay sa akin ng isang malaking pótensyal na makapagbunga ng kaaya-ayang pagbabago at higit sa lahat, himukin ang mga mamamayan na magkaisa para sa pagbabagong pag-unlad ng ating lipunan.
Narito ang maaari kong maitulong sa pag-unlad ng ating bansa:
1. Sa pamamagitan ng aking kahusayan sa larangan ng akademiko o pag-aaral, nagkakaroon ako ng malawak na kaalaman at pag-unawa at higit sa lahat, ng kakayahan na maaari kong magamit sa pag-unlad ng ating bansa at upang makatulong din ako sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.
2. Sa pamamagitan din ng aking pag-aaral sa larangan ng agham, teknolohiya, at sa iba pang larangan, mayroon akong kakayahan na makapagbahagi ng aking mga kaalaman at makapag-boluntaryo sa iba't-ibang proyekto na mayroong ninanais na pagbabago o di kaya'y nilalayong magdulot ng pag-unlad. Dahil din sa aking pagkamalikhain, nakakagawa ako ng mga makabagong kagamitan o bagay na maaaring maging solusyon sa mga suliranin na kinakaharap ng ating lipunan.
3. Bukod sa aking pag-aaral, maaari rin akong maging kasapi ng mga samahan,gaya sa paaralan, na nagsusulong ng mga polisiya o batas para sa pag-unlad ng ating lipunan.
Sa pagpapatupad ng mga batas o polisiya sa paaralan, ang mga batas na nailapat dito ay maaaring maging salik sa pag-unlad ng ating lipunan sa kadahilanang nakakaapekto ang ilang mga batas dito sa kapaligiran, kabuhayan, at higit sa lahat, sa ating lipunan.
4. Sa pamamagitan din ng aking pagsali sa mga proyekto o programa, nakakatulong ako sa pagbóboluntaryo at pagseserbisyo sa aking pamayanan at sa lipunan. Dahil dito, masasabi kong maaaring magdulot ang mga ito ng malaking pagbabago sa kabuhayan ng mga mamamayan na nangangailangan, dahil sa mga tulong na kanilang natatanggap.
5. Sa pamamagitan ng pagbibigay ko ng halaga sa ating kalikasan at pagiging responsable ko sa paggamit ng ating mga likas na yaman, nakakatulong na ako sa pangangalaga at pagpoprotekta sa pag-unlad ng ating kapaligiran. Tinatangkilik ko rin bilang isang mag-aaral ang mga programa na pumapatungkol sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa mga hayop. Masasabi natin na ang pag-unlad ng ating bansa ay hindi uunlad kung hindi natin pangangalagaan at iingatan ang ating kalikasan at gagawa ng mga gawain na nararapat.
Sa totoo, ako ay mapagmahal sa mga hayop lalo na sa pusa at aso. Alam kong may buhay din ang mga hayop, hindi lang tayo kundi sila. Sinasabi nga ng iba na ang hayop, halaman, at tao ay nilikha ng ating Diyos at ang natatangi sa lahat ay tayong mga tao, kung kaya't ang mga likha ng ating Diyos ay nararapat nating igalang at bigyang-halaga.
Ang lahat ng mga ito ay sumasaklaw saakademya o pag-aaral, komunidad o pamayanan, kalikasan o kapaligiran, at pagtulong o pagbóboluntaryo sa mga mamamayan.
Sa paggamit ko ng aking edukasyon, kakayahan, talento, talino, pagmamahal, pangangalaga, at paggalang, ang mga ito maaaring maging susi sa pagbabagong pag-ulad ng ating lipunan. Naniniwala ako bilang isang mag-aaral na mayroong magandang kinabukasan ang ating bansa kung tayo ay magkakaisa o magtutulungan.
Ang 'ika nga ni Dr. Jose Rizal, "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan". Naniniwala ba kayo doon? Nangyayari na ba ang iwinika ni Dr. Jose Rizal ngayon? o hindi na? Isinasagawa pa ba ang mga kabataan ngayon ang inilalarawan ni Dr. Jose Rizal? o hindi na?
Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa pag unlad ng ating bansa?
Bilang mag aaral, marami ang maitutulong ko sa pag unlad ng ating bansa, Narito ang ilang sagot na maaaring maiambag ng isang mag-aaral para sa pag-unlad ng kanilang bansa:
Kaalaman at Kakayahan:
Bilang isang mag-aaral, ang isang tao ay maaaring mag-ambag sa pag-unlad ng kanilang bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang matibay na pundasyon ng kaalaman at kasanayan na magagamit upang makinabang ang lipunan.
Pagboluntaryo:
Maraming mga mag-aaral ang nakikilahok sa mga aktibidad sa komunidad at boluntaryong gawain, na makakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa kanilang bansa.
Pamumuno o Pagiging isang Lider
Ang mga lider ng mag-aaral ay maaaring mag-ambag sa pag-unlad ng kanilang bansa sa pamamagitan ng mga hakbangin na kanilang ginagawa upang lumikha ng pangmatagalang positibong pagbabago.
Innovation o Creative:
Maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at kakayahan upang makabuo ng mga bagong ideya at teknolohiya na maaaring makinabang sa kanilang bansa.
Representasyon:
Ang mga mag-aaral ay maaari ding magsilbi bilang mga kinatawan ng kanilang bansa at tumulong sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa mga isyu, serbisyo, at pagkakataon sa kanilang lokal na lugar.
Answers & Comments
Verified answer
Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa pag unlad ng ating bansa?
Bilang isang mag-aaral, naniniwala ako na may malaki akong papel na ginagampanan sa pag- unlad ng ating bansa. Kahit ako'y bata pa lamang, maaari na kong makatulong sa iba kahit sa kaunting halaga o di kaya'y sa mga mabababang gawain.
Masasabi ko na naniniwala ako na mayroon akong malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ating bansa ay dahil sa aking mga talentó't kakayahan tulad na lamang ng pagkamalikhain, kahusayan sa pag-aaral, talino sa pagsasalita at pagsusulat, kahusayan sa pamumuno, pagbóboluntaryo sa mga mamamayan at iba pa. Dahil sa paggamit ko ng aking mga talento sa kabutihan, nagagawa kong tumulong sa iba at higit sa lahat, pasiyahin ang ating Panginóon.
Ang lahat ng mga salik na ito ay maaaring magbigay sa akin ng isang malaking pótensyal na makapagbunga ng kaaya-ayang pagbabago at higit sa lahat, himukin ang mga mamamayan na magkaisa para sa pagbabagong pag-unlad ng ating lipunan.
Narito ang maaari kong maitulong sa pag-unlad ng ating bansa:
1. Sa pamamagitan ng aking kahusayan sa larangan ng akademiko o pag-aaral, nagkakaroon ako ng malawak na kaalaman at pag-unawa at higit sa lahat, ng kakayahan na maaari kong magamit sa pag-unlad ng ating bansa at upang makatulong din ako sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.
2. Sa pamamagitan din ng aking pag-aaral sa larangan ng agham, teknolohiya, at sa iba pang larangan, mayroon akong kakayahan na makapagbahagi ng aking mga kaalaman at makapag-boluntaryo sa iba't-ibang proyekto na mayroong ninanais na pagbabago o di kaya'y nilalayong magdulot ng pag-unlad. Dahil din sa aking pagkamalikhain, nakakagawa ako ng mga makabagong kagamitan o bagay na maaaring maging solusyon sa mga suliranin na kinakaharap ng ating lipunan.
3. Bukod sa aking pag-aaral, maaari rin akong maging kasapi ng mga samahan, gaya sa paaralan, na nagsusulong ng mga polisiya o batas para sa pag-unlad ng ating lipunan.
Sa pagpapatupad ng mga batas o polisiya sa paaralan, ang mga batas na nailapat dito ay maaaring maging salik sa pag-unlad ng ating lipunan sa kadahilanang nakakaapekto ang ilang mga batas dito sa kapaligiran, kabuhayan, at higit sa lahat, sa ating lipunan.
4. Sa pamamagitan din ng aking pagsali sa mga proyekto o programa, nakakatulong ako sa pagbóboluntaryo at pagseserbisyo sa aking pamayanan at sa lipunan. Dahil dito, masasabi kong maaaring magdulot ang mga ito ng malaking pagbabago sa kabuhayan ng mga mamamayan na nangangailangan, dahil sa mga tulong na kanilang natatanggap.
5. Sa pamamagitan ng pagbibigay ko ng halaga sa ating kalikasan at pagiging responsable ko sa paggamit ng ating mga likas na yaman, nakakatulong na ako sa pangangalaga at pagpoprotekta sa pag-unlad ng ating kapaligiran. Tinatangkilik ko rin bilang isang mag-aaral ang mga programa na pumapatungkol sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa mga hayop. Masasabi natin na ang pag-unlad ng ating bansa ay hindi uunlad kung hindi natin pangangalagaan at iingatan ang ating kalikasan at gagawa ng mga gawain na nararapat.
Sa totoo, ako ay mapagmahal sa mga hayop lalo na sa pusa at aso. Alam kong may buhay din ang mga hayop, hindi lang tayo kundi sila. Sinasabi nga ng iba na ang hayop, halaman, at tao ay nilikha ng ating Diyos at ang natatangi sa lahat ay tayong mga tao, kung kaya't ang mga likha ng ating Diyos ay nararapat nating igalang at bigyang-halaga.
Ang lahat ng mga ito ay sumasaklaw sa akademya o pag-aaral, komunidad o pamayanan, kalikasan o kapaligiran, at pagtulong o pagbóboluntaryo sa mga mamamayan.