Bike Ordinance sa Silangang Samar, aprubado ng lokal na pamahalaan
Dahil sa paglilimita ng pampublikong sasakyan ngayong panahon ng
pandemya, pagbibisekleta ang nakitang alternatibong transportasyon ng
taumbayan.
Kaugnay nito, pormal na kinilala ng lokal na pamahalaan ng
Silangang Samar ang kauna-unahang naipasa at naaprubahang Bike
Ordinance sa Pilipinas na pinangunahan ni Bise-Gobernador Maricar
Sison-Goteesan.
Nakasaad din sa ordinansa ang layuning maipakilala ang karapatan
sa kalusugan ng mga tao sa paggamit nito.
“Maliban sa pagsunod sa itinakdang health protocols ng Kagawaran
ng Kalusugan, isinasaalang-alang din po ng lalawigan ang usaping-
pangkalusugan ng ating nasasakupan,” pahayag ng bise-gobernador.
“Magsisilbing proteksyon din ito sa paggamit sa daan kasabay ng iba
pang mga biyahero,” dagdag ni Atty. Byron M. Suyot, may-akda ng
nasabing batas.
Ayon sa Provincial Tourism Officer ng Silangang Samar na si
G. Neil Pinarok, ito ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang
pagkalat ng COVID-19.


Suriing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Gamitin ang mga pananda
o pahayag sa pagbibigay-reaksiyon o opinyon sa inyong mga sagot.
1. Ano ang nakitang alternatibong transportasyon ng mga tao ngayong
panahon ng pandemya? _______________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan ipinakita ng lokal na pamahalaan ng Silangang Samar
ang kanilang suporta sa mga taong nag-udyok na gamitin ang
pagbibisekleta bilang alternatibong transportasyon? _____________________
_______________________________________________________________________
3. Ayon sa binasang balita, bakit mahalaga ang pagbibisekleta? ___________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Paano mo maipapakita ang iyong suporta sa Bike Ordinance ng Silangang
Samar? Patunayan ang sagot. _________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.