Questions


September 2022 1 2 Report
BIDASARI
(Epikong Mindanao)

Ang kaharian ng kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang
ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
Nang araw na iyon, namasyal sa tabing-ilog si Diyuhara, ang pinakamayamang mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura kasama ang kanyang asawa nang nakarinig sila ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing pagkaganda-ganda, kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si
Bidasari ay lalo pang gumaganda Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang
nakikilalang magulang Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mogindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari Mapanibughuin si Lila Sari Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siyay mahal nito na
sasagutin naman ng sultan ng, "Mahal na mahal ka sa akin".
Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan, Kaniyang itinanong na
minsan sa sultan, "hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin?"
Ang naging tugon ng Sultan ay, "Kung higit na maganda pa sa iyo ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat." Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kawal na
saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa
sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay
Lila Sari
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang
kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si
Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at
pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila San ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gab Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari

Isang araw, ang Sultan Mogindra ay nangaso sa gubat Nakita niya ang isang
magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mogindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hangganggabi Kinagabihan nabuhay si Bidasari Nakausap siya ni Sultan Mogindra Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari
ay matahimik nang naninirahang muli sa kembayat Nagkaroon pa sila ng isang
supling Ito'y si Sinapati Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at
ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura Nang magkita si Bidasari at si
Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasar ay isa palang tunay na prinsesa

1 Ano ang dahilan at nawalay ang sanggol sa piling ng tunay magulang na sultana at sultan ng Kembayat?
2 Sino ang nakakuha ng sanggol?
3Ano ang turing ng nakapulot sa bata?
4 Kailan nagsimulang magbago ang magandang buhay ni Bidasan?
5 Makatarungan ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang ito ay patirahin niya sa palasyo?
6 Anong negatibong pag-uugali ang naghari sa puso ni Lila San?
7 Mayroon din bang ganitong uri ng tao sa tunay na buhay? Patunayan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.