Questions


October 2022 1 0 Report
1. Ano ang ibang katagawan sa aspektong naganap ng pandiwa?
A. pawatas B. perpektibo C. imperpektibo D. kontemplatibo
2. Aling pares ng mga salita ang nasa imperpektibong aspekto ng
pandiwa?
A. sulat, awit C. naglalaba, naliligo
B. nagturo, nag-aral D. mababasa, maglilinis
___________ kaming namasyal noong Sabado. Nagpunta kami ni Lola sa ____________ na bukirin. Namitas kami ng _____________ at _____________ na mangga. Nagpalipad kami ng _____________ na saranggola. At bago kami umuwi, kumain pa kami ng _____________ na buko na pinitas ng _____________ na batang si Makmak.
14
3. May ilang aspekto ang pandiwa?
A. dalawa B. tatlo C. apat D. lima
4. Aling pandiwa ang angkop gamitin upang mabuo ang pangungusap?
____________ kami sa batis kahapon kasama ang mga pinsan ko.
A. Maligo B. Maliligo C. Naligo D. Naliligo

5-7. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.
Sa lahat ng punong-kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na panggatong ang katawan nito. Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis, at mga kagamitang pambubong. Ang bunga ang pinakamahalagang bahagi nito. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ang nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan. Mula naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis at makagawa ng kendi at gamot. Nanggagaling din sa laman nito ang mga sangkap na magagamit para sa pabango, sabon, sorbetes, ulam, at cake.

5. Anong punong-kahoy ang inilalarawan sa talata?
A. acacia B. balete C. mangga D. niyog
6. Aling lipon ng mga salita ang naglalarawan mula sa talata?
A. dahon, balat, bunga
B. pabango, sabon, sorbetes
C. makakuha, makagawa, magagamit
D. pinakamarami, mahalaga, mahusay
7. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba, bunot, at mga
kutson. Ang pandiwang may salungguhit ay nasa aspektong
__________.
A. panahunan B. kontemplatibo C. imperpektibo D. perpektibo
8. Alin sa pinagpipilian ang may wastong salin/baybay ng salitang Ingles
na butterfly?
A. paro-paro B. paroparo C. paru-paro D. paruparo
9. Aling pagkabaybay ng salita ang hiniram ng buo dahil ito ay katagang
siyentipiko?
A. kutis B. diyeta C. La Niña D. oxygen

10. Alin ang wastong baybay ng salitang hiram na chocolate sa
Filipino?
A. tsokolate B. tsokulate C. tsok’lit D. tsukolate

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.