Bayanihan sa Gitna ng Pandemya
Parang “pinagtakluban ng langit at lupa ang aking pamilya” , pabulong
at malungkot na nasabi sa sarili ng isang mag- aaral na labis na nag-aalala
sa kanilang sitwasyon dahil sa nararanasang pandemya sa bansa.Lahat ay
apektado at isa na rito ang pamilya ni Jessa. Halos wala nang makain dahil
sa hirap nang buhay. Isa ang kaniyang ama sa libo-libong manggagawang
nawalan ng trabaho bilang isang construction worker sa isang subdibisyon sa
Pasig. Ang kanilang ina ay hindi na rin makapaghanap buhay dahil
kinailangan nitong maiwan upang mag-alaga sa kaniyang mga kapatid. Lima
silang magkakapatid at tatlo lamang ang nakakapag-aral. Lubos na
nangangamba ang kanilang mga magulang na baka hindi na makapasok ang
kanilang anak dahil sa sitwasyong nararananasan lalo pa at nagdeklara ng
Enhance Community Quarantine sa buong bansa.
Isang araw, pinulong ng mag- asawa ang kanilang mga anak upang
ipaliwanag ang mga nangyayari sa paligid. Bakas sa mukha ng mag-asawa
ang lungkot at pag-aalala sa kanilang kalagayan at damang-dama nila na
sobrang apektado ang mga anak dahil dito. “Mga anak, huwag kayong mag-
alala, magdasal lang tayo, may awa ang Diyos sa atin hinding- hindi niya tayo
pababayaan.”, sabi ng kanilang nanay. Kinabukasan ang mga taga-barangay
ay namigay ng ayuda sa bahay-bahay. Bakas sa kanilang mukha ang tuwa
at pag- asa na hindi sila pababayaan ng pamahalaan. Nakita ninyo mga anak,
dininig ng Diyos ang ating panalangin”, ang may pag-asang wika ng tatay.
May pag-aalala man kung saan sila makakakuha ng kanilang ikabubuhay sa
araw-araw, inisip na lamang ng mag-asawa na ito’y isang malaking hamon
na kanilang malalampasan. Ang mahalaga sa kabila ng kanilang nararanasan
ay hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil sa kanilang malakas na
pananampalataya sa Diyos na hindi sila pababayaan
Sa hindi inaasahan, mayroong isang miyembro ng barangay ang
nagmagandang loob sa kanilang pamilya. Muli siyang bumalik sa bahay nila
Jessa upang iabot ang tulong na mga pagkain, gamot at iba pang
pangangailangan.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa inyong portfolio ang sagot.
a. Tungkol saan ang kwentong nabasa?
b. Anong pagsubok ang nararanasan ng isang pamilya?
c. Bakit kailangang ipaliwanag ng mag- asawa sa mga anak ang kanilang
dinaranas ngayong may pandemya?
d. Paano sila nabigyang pag-asa sa oras ng pandemya?
e. Sino - sino ang mga tumulong sa kanila?
f. Ginagawa niyo rin ba ang pagtulong sa inyong kapwa? Bakit?
g. Sa papaanong paraan kayo nakatulong sa kanila?
h. Anong ugali ang ipinakita ng pamilya?
i.Anong ugali naman ang ipinakita ng isang miyembro ng barangay?
BRAINLIEAST ko po makasagot pls ASAP po
Answers & Comments
Answer:
a. Bayanihan sa Gitna ng Pandemya
b. Dahil sa pandemya nawalan ng trabaho ang ama ng tahanan,at halos lahat ng tao ay apektado ng pandemya,at halos wala nang makain ang pamilya dahil sa sitwasyon.
c. Upang maitindihan ng mga anak ang sitwasyon na kinakaharap ng dulot ng pandemya.
d. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga taga-barangay.
e. Ang mga miyembro ng baranagay na nagmagandang loob na tumulong sa pamilya.
f. Oo,dahil sa panahon ng pandemya mas mararamdaman natin kung paano tayo tumulong sa ating kapwa.dahil pare-pareho ang ating mga pinagdadaanan sa gitna ng pandemya.
g. Tumutulong kami sa pagbibigay ng konting donasyon at mga pagkain sa baot ng aming makakaya at sa pamamagitan rin ng pananalangin na malagpasan ang pandemyang kinakaharap.
h. Ang pagiging matatag at may pananalig sa Panginoon.
i. Pinakita nila ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa.
Explanation: