bawain 4. Opinyon Mo (PERFORMANCE TASK) Panuto: Basahin ang mga balita sa ibaba. Pumili ng isa sa mga balita at sumulat ng pormal o di-pormal na sanaysay na naglalahad ng opinyon mo tungkol dito. Siguruhing may 3 hanggang 5 talata (paragraph) ang sanaysay. Gumamit ng mga pang-ugnay. Ang rubrik sa ibaba ay gagamitin sa pagmamarka (25 puntos). BALITA 1 'Pinas PilT na atraso Kada pamilya may P470K utang na Bawat Pilipino ay may utang na P106,000 kasunod ng bagong record high na P11.642 trilyon na utang sa ilalim ng Duterte administration. Sinabi ni IBON Foundation executive director Jose Enrique 'Sonny' Africa na kung p11.642 trillion na utang ng gobyerno at kung hahatin sa 109 milyong populasyon ng bansa ay mahigit P106,000 ang utang ng bawat isa. "Kung kada pamilya P470,000, halos kalahating milyong piso," sinabi ni Africa. Ang utang ng gobyerno muling umakyat sa pagtatapos ng Agosto, mas mataas ng P32.05 billion mula sa P11.61 trillion sa pagtatapos ng July 2021 dahil na rin sa pangangailangan na makabili ng medical equipment at mga gamot dahil sa patuloy na banta ng COVID-19. Sinabi ni Africa wala naman nakikitang masama sa ginawa ng gobyerno kasi kailangan ng gobyerno at publiko. "Nagkakaproblema kung uutang ka tapos napupunta lang sa kickback, napupunta lang sa imprastraktura na hindi naman nagagamit," sinabi nito. Naunang ipinagtanggol ni Finance chief Carlos Dominguez III ang pagtaas ng utang. Sinabi ni Africa na ang utang ng gobyerno ay mababayaran sa pamamagitan ng tax. (Ulat ni Kiko Cueto, Abante News, Oktubre 2, 2021)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.