Questions


November 2022 2 0 Report
Batang Matampuhin

Konting kibot, simangot
Konting paalaala, tampo ang sagot
Sa mga magulang ay sumasagot

Iyan na ba talaga ang bata ngayon?
Tampo at galit ang madaling tugon
Ito ang hamon sa mga magulang ngayon

Batang matampuhin nagalit at umalis
Sa mga kaibigan nakikiusap na kupkupin
Saglit lang daw at sarili ay hahanapin

Isang unos ang biglang dumating
Batang matampuhin di-alam ang gagawin
Gininaw at nagkasakit, yakap ng ina’y inasam

Pagdaan ng unos, bata’y nagbalik
Napagtanto ang ginawa ay hindi na mauulit
Patawad Inay, ang tanging
sambit.

simangot
tampo
magulang
hamon
kaibigan
kupkupin
dumating
nagkasakit
napagtanto
mauulit

Sagutin ang sumusunod:
1. Bilang isang anak,
nagtampo ka na rin ba sa
iyong pamilya? Paano
nangyari iyon?

2. Paano mo pinararating sa
iyong pamilya na
nagtatampo ka sa kanila?

3. Paano mo pinararating sa
iyo ng mga magulang mo
na mahalaga ka sa kanila?

4. Bilang isang Cecilian, ano
ang masasabi mo sa ugali
ng mga kabataan sa
panahon ngayon?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.