Batang Ayaw Mag-aral ni Michelle Joy T. Maglinte Si Juan Franciso ay anak na ampon ng isang Datu mula sa Cotabato. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinaka-malaking hacienda sa kanilang baryo. Isang simpleng maybahay ang kanyang ina at hindi na nito kailangan pang magtrabaho sa dami ng kanilang pera at ari-arian.Dahil si Juan lamang ang nag-iisang anak, kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi hanggang sa pagtanda niya at magiging tagapagmana pa siya sa trono ng kaniyang ama. Ito ang dahilan kung bakit tamad siyang mag-aral. Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase. Hindi lamang sa pag-aaral tamad si Juan pati na rin sa pagdarasal ng kanilang tribu tuwing hapon ay lagi lamang siyang wala. Kahit sa gawaing bahay ay walang alam din si Juan. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo nino man,” sabi ng ina ni Juan.Ngunit, talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal kasama ang barkada. Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Usmad,may narinig siyang isang malakas na sigaw ng ina niya. “Juan! Juan! Ang ama mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral. Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba’t ibang komplikasyon. Halos isang taon na nakaratay ang ama niya bago ito pumanaw. Pati yung hacienda na pagmamay-ari nila ay naibenta na rin, at ang pagiging pinuno ng kaniyang ama ay naalis na dahil sa hindi na nito nagampanan ang pagiging pinuno sa kanilang tribu. Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na kung sana nag-aral siya nang mabuti eh gradweyt na siya sa kolehiyo at may maganda ng trabaho. Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na panahon ngunit wala na siyang magawa kundi ang magsisi. Ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap makakain lang sila. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.