Questions


October 2022 1 3 Report
BASURA ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang problema. At sa kabila na basura ang dahilan, marami pa rin ang hindi natututo at walang disiplina sa pagtatapon ng basura sa mga estero, kanal at mga ilog. Wala pa rin silang kadala-dala at walang malasakit sa kapaligiran. Ang mga basurang itinambak sa mga ilog ay iluluwa sa dagat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan. Totoo ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo, babalik din sa’yo.” Nararapat makaisip ng solusyon ang MMDA at ang DENR kung paano madidisiplina ang mamamayan at magkakaroon ng takot na huwag magtapon ng basura sa waterways. Dapat kamay na asero ang gamitin para wala nang magtatapon ng basura na nagdudulot ng pagbaha. Kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang problema. Ipatupad ang paglilipat o pag-aalis sa mga informal settlers. Bakuran ang mga gilid at pampang ng estero o ilog para hindi makabalik ang informal settlers na numero unong nagtatapon ng basura.

"Halaw mula sa Philstar Ngayon June 17, 2018 12:00am"



Panuto: Sipiin at isulat ang mga pahayag na nanghihikayat mula sa binasang editoryal. Halimbawa: "Dapat kamay na asero ang gamitin"

translation

Instructions: Quote and write encouraging statements from the editorial read.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.