Questions


September 2022 1 1 Report
: Basahing mabuti ang tula. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa sagutang papel.

Ako’y Isang Batang Pinoy
ni: MYRASOL D. BELTRAN

Sa iisang mundong ating ginagalawan,
iba’t ibang sitwasyon at pangangailangan,
na sa bawat isa ay siyang nakatadhana,
na ibinigay sa atin ng Diyos na mapagpala.
Katumbas ng suliranin ay mga taong matulungin,
na walang ibang isip kundi ika’y salubungin,
bukas-kamay parati sa pag-unawa at pagtulong,
pagmamahal at pagdamay ang siyang isinusulong.
Kung kaya’t aking paalala lagi sa aking sarili
Nawa’y laging isaisip at ipagmalaki,
ako’y may malaking puso sa kapuwa ko Pilipino,
handa lagi sa pagdamay sa kahit na sino.


1.Ano ang mensahe ng tula sa isang batang tulad mo?

2. Bakit sa iyong palagay ay “Ako’y Isang Batang Pinoy” ang naging pama gat ng tula?

3.Paano mo maipakikita ang pag-unawa sa kapuwa sa oras ng pan gangailangan?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.