Basahing mabuti ang mga tanong at pangungusap at piliin ang pinakangkop na sagot sa mga naibigay na pagpipilian.

     1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaiba ng tao sa mundo? 

        a. Matututo tayong magpakumbaba. 

        b. Maunawaan ang halaga ng talento at  mga  kakayahan na taglay ng iba.

        c. Maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa sariling pag-unlad. 

        d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa. 

     2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao? 

        a. Sa paningin ng ng lipunan .

        b. Sa pagtrato ng kani-kanilang pamilya .

        c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito. 

        d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig .

     3. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:

        a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. 

        b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

        c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. 

        d. Pakitunguhan lamang ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. 

      4. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao? 

         a. Pahalagahan ang tao hangga’t siya ay may naibibigay sa atin.

         b. Ibigay ang sarili sa kapwa kung magiging mabuti siya. 

        c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito. 

        d. Magbigay tulong sa mga kakilala upang iparamdam  mayroon tayong kakayahan sa buhay.

     5. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

         a. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong 

         b. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan .

         c. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.

         d. Wala sa mga nabanggit. 

     Ang mga sumusunod na aytem ay sagutin ng tama o mali.

     6. Ang lipunan ay dapat tumulong upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa  lipunan  nagmumula ang dignidad na ito. 

     7. Kinikilala at pinahahalagahan ang dignidad ng isang tao dahil sa mga taglay na katangiang mapakikinabangan.

     8. Inaasahan na ang mga taong nabiyayaan ng mga natatanging talento at kakayahan ay magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga taong nangangailangan ng mga ito.

     9. Napananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao habang siya ay may mataas na katungkulan at produktibong miyembro ng lipunan. 

    10. Sa pagtanda at paghina na ng katawan ay nabawasan o bumababa ang karangalan ng tao.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.