Basahing mabuti ang maikling talata.Bumuo ng samsung tanong Kaugnay sa talatang binasa.
Dangal sa Paggawa
Bawatnnilalang ay may kanya-kanyang kakayahan at abilidad.Ang handog ng diyos sa atin ay nararapat lang na nating pagyamanin upang maipamahagi sa mga nangangailangan.Iisa ang mithiin ng bawat manggagawa:kumita ng sapat at maibsan ang hirap na nararanasan ng sagayon ay maiwasan ang pagkulo ng tiyan.Bagama't may uri ng trabaho na nakakahigit sa iba,pinakamahalaga ay kung paano natin ibinibigay ang lahat ng ating makakaya at nalalaman sa bawat gawaing nakaatang sa atin.
Nakakalungkot isiping marami sa ating mga kababayan ang nagugutom.Ang iba'y nagkakasya na lang sa pamamalimos.Ang iba nama'y gumagamit ng dahas upang makuha ang pinaghirapan ng kapwa.Ayaw nilang patuluin ang sariling pawis upang paano'y mabawasan ang kahirapan.Marahil,kung ang isa't-isa ay matutong magpakasakit at magtiyaga sa buhay ay may nakalaang tagumpay sa dakong huli para sa kanila.Nakapag-aral man o hindi,sila man ay may lugar sa lipunan.Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa.Anumang uri ng hanapbuhay at antas ng pamumuhay sila na bibilang ay kaisa sa hangaring mapaunlad at maingat ang ating sambayanan.
1._______________________________________________________________________
2_______________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________
4.______________________________________________________________________
5.______________________________________________________________________
6.______________________________________________________________________
7._______________________________________________________________________
8.______________________________________________________________________
9.______________________________________________________________________
10.______________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
1.bakit bawat nilalang ay may kanyakanyang abilidad?
2.bakit kailangan nating ipamahagi ipagmalaki at pag yamanin ang han dog ng diyos?
3.bakit marami sa ating kababayan ang nagugutom?
4.bakit mahalaga ang ginagampanan ng ating manggagawa?
5.bakit kailangan pang gumamit ng dahas sa kapwa?
6.bakit ang iba ay nagkakasya sa panglilimos?
7.bakit marami saatin ay naghihirap?
8.bakit yung iba sa atin ay walang trabaho?
9.bakit kailangan nating pag-hirapan ang lahat ng meron tayo?