Questions


October 2022 1 0 Report
Basahing mabuti ang maikling kwento at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
Laban Lang!
Matalik na magkaibigan sina Kelly at Jaicy. Madalas silang naglalaro at
magkasamang pumupunta sa eskwelahan. Nasa ikalimang baitang na ang
dalawa. Tuwing sabado at linggo ay sabay silang gumagawa ng kanilang mga
takdang aralin dahil magkapit-bahay ang magkaibigan. Dumating ang pandemya
sa bansa at ipinagbawal ang face to face classes at ganun din ang paglabas ng
tahanan ng mga tao dahil sa lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Labis ang pagkalungkot nina Kelly at Jaicy dahil hindi na sila makakapunta ng
sabay sa eskwelahan at hindi na sila makakalabas ng tahanan upang
makapaglaro.
Nawalan ng trabaho ang kapatid at ang ama ni Kelly dahil nagsira ang
restaurant na pinagtatrabahuan ng mag-ama dahil sa pandemya. May mga araw
na hindi na sila kumakain ng almusal. Hindi maikukubli kay Jaicy ang nangyayari
sa pamilya ni Kelly dahil sila ay makapit-bahay lamang. Dahil sa nakakaangat sa
buhay ang pamilya ni Jaicy, tumulong ang mga ito sa pamilya ni Kelly at hindi
lamang sa kanila bagkus sa iba pa nilang mga kapit-bahay na mahihirap.
Malaking tuwa at saya ang nadarama ng pamilya ni Kelly dahil dumating
ang araw na hindi lamang ang pamilya ni Jaicy ang tumutulong sa kanila dahil
nakakatanggap na rin sila ng mga tulong galing sa iba’t ibang programa ng ating
pamahalaan.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban ang pamilya ni Kelly at
ganun din ang mga kapit-bahay nila na mga kapus din sa buhay. Umaasa na
maibabalik na sa dati ang lahat kung saan makakapunta na silang muli sa
eskwelahan at makapaglaro sa labas ng tahanan. Sabi nga ni Kelly at Jaicy “kahit
may pandemya, tuloy ang buhay. Laban lang!”.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang kadalasang ginagawa ng dalawang magkaibigan nang wala pang
pandemya?
2. Ano ang nangyari sa pamilya ni Kelly nang dumating ang pandemya sa bansa?
3. Ano ang ginawa ng pamilya ni Jaicy sa pamilya ni Kelly at sa kanilang mga
kapit-bahay na mahihirap nang dumating ang pandemya sa bansa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.