Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa inyong kuwaderno.
1. May iba’t ibang pananaw at paniniwala ang mga Katutubong Muslim
tungkol sa kalayaan maliban sa isa.
a. Gusto nilang masakop sa mga dayuhan.
b. Ayaw nilang magpapaalipin sa mga dayuhan
c. Hindi nila gusto na sumailalim sa kapangyarihan ng dayuhan .
d. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anumang
kahinatnan ng labanan.
2. Malaki ang respeto nila sa kanilang pinuno. Anong pagpapahalaga ang
ipinapakita rito?
a. Pinunong Sultan o Datu c. Teritoryo
b. Relihiyon d. Kultura
3. Ang iba’t ibang pananaw at paniniwala ng mga Katutubong Muslim ay
mahalaga sa kanila upang mapanatili nila ang kanilang _________.
a. kasaganaan c. kasipagan
b. kagitingan d. kalayaan
4. Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong
Muslim?
a. May malawak na lupain ang Mindanao.
b. Kulang ang mga Espanyol ng mga sandata.
c. Matatapang ang mga Muslim at hindi sila nakikipagsundo sa mga
dayuhan.
d. Hindi nakapasok sa Mindanao ang mga Espanyol dahil wala silang
sasakyang gagamitin.
5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang
mga Muslim?
a. Hindi nila inabot ang lugar ng mga Muslim.
b. Hindi nila masupil ang mga ito.
c. Mayayaman ang mga Muslim.
d. Masunurin ang mga ito.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.