Questions


November 2022 1 0 Report
Basahin nang mabuti ang mga sitwasyon. Suriin kung ang mga tao sa bawat sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang o hindi sa dignidad ng tao.
Isulat ang sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at Kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng hindi paggalang sa dignidad ng tao.
________ 1. Si Shaira ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong bansa. Gayunpaman, tinuturuan pa din sila ng kanilang ama at ina ng mga gawaing bahay at huwag iutos lahat sa kanilang mga kasambahay. Tinatrato nila ang kanilang mga kasambahay na parang kaparte ng buong pamilya.
________ 2. Habang naglalakad pauwi si Mike ay nakita niya ang isang lalaking pulubi na biglang natumba. Agad niyang nilapitan ito at tinulungan munang umupo tsaka nya inayos ang mga gamit nito. Binilhan din niya ito ng pagkain mula sa Jollibee.
________ 3. Isang eksperimento ang isinagawa ng grupo ni Leslie, isang sikat na artista. Nagpanggap siyang isang madungis at mabahong pulubi upang malaman kung may tutulong ba sa kaniya. Sa kanilang pag oobserba, ay halos walang gustong lumapit sa kanya. Nung magpalit-anyo na siya at ipinakita ang tunay na anyo, ay mas madami ang pumuri at nagpakuha ng litrato sa kanya.
________ 4. Habang ipinagdiriwang ni Seth ang kaniyang kaarawan ay dumating ang kaniyang kapatid mula sa ibang bansa. Agad niya itong ipinakilala sa kaniyang mga kaibigan. Ngunit nang dumating ang isa pa niyang kapatid na hindi nakapag abroad ay binati lamang niya nito at hindi man lang ipinakilala sa kaniyang mga kaibigan.
________ 5. Si Ava ay isang ulila na inampon ng mag-aswang mayaman mula sa ibang bansa. Nang siya ay magdidiwang na ng kaniyang ika-18 kaarawan ay napagpasiyahan niyang gawin ito sa isang bahay ampunan upang makapagbigay ng pagkain at laruan sa mga bata.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.