Questions


September 2022 2 4 Report
Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya. Ito ay halimbawa ng
A. bugtong B. konotasyon C. denotasyon D. palaisipan

2. Bato na ang damdamin ni Lucas para sa mga kaibigan matapos siyang gawan ng
hindi maganda ng mga ito. Nangangahulugan din ito na matigas na ang puso niya
sa mga kaibigan. Ito ay isang halimbawa ng
A. kaalamang-bayan B. konotasyon C. denotasyon D. palaisipan

3. Walang sumisira sa bakal kundi ang sariling kalawang. Ito ay isang halimbawa ng
A. bugtong B. karunungang-bayan C. konotasyon D. denotasyon

4. Parang tambol ang dibdib ni Joan noong siya’y magtatalumpati. Ang may salungghuit ay
dapat bigyan ng pagpapakahulugang
A. konotasyon B. denotasyon C. palaisipan D. tulang panudyo

5. Adhikain niyang makatapos ng pag-aaral upang makatulong sa pamilya. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit batay sa konteksto ng pagkakagamit
nito?
A. pagsisikap B. pangarap C. sakripisyo D. trabaho

6. Si Joseph ay nagsusunog ng kilay dahil gusto niyang makakuha ng may karangalan.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. pagsakripisyo B. pagsisipag sa pag-aaral C. pagtatrabaho D. pangarap

7. Alin sa kasunod na mga tula ang halimbawa ng tulang panudyo?
A. Isang bayabas C. Bunga’t nganga
Pito ang butas taong masalita,kulang sa gawa
B. Huwag dumikuwatro D. Dalawang bolang malalim
Dyip ko’y di mo kuwarto. Malayo ang nararating

8. Tukuyin alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng palaisipan?
A. walang paa, walang pakpak C. Lahat na ay nakahihipo,
naipamamalita ang lahat walang kasindumi’t walang kasimbaho
bakit mahal nati’t ipinakatatago.
B. Ale, aleng namamangka D. Drayber man akong hamak sa tingin,
Isakay mo yaring bata, ngunit ang paglilingkod ay marangal na
Pagdating sa Maynila, gawain.
Ipagpalit ng kutsinta

9. Basahin at unawain ang kasunod na tugmang de-gulong. Piliin ang nawawalang
salita na kailangan upang mabuo ang diwa ng nasabing tugmang de-gulong.
“Sitsit sa aso
Katok ay sa pinto
______ ang para sa tabi tayo’y hihinto.
A. Isenyas B. Isigaw C. Sambitin D. Sundin

10. Alin sa mga pangkat ng mga salita ang nagpapakita ng paghawak ng mga bagay?
A. pagsulyap, paghawak, pagbibiro C. haplos, hawak, hipo
B. panunudyo, paghipo, pagtingin D. pagtanaw, pagwangis, pagtulad

pasagot po help

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.