Questions


October 2022 1 2 Report
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat sa mga linyang nakalaan

1. Pupunta lamang sana sa kaibigan niyang nasa kabilang silid-aralan ang kaklase mo ngunit hindi niya napansin na nakaharang ang iyong payong kaya siya ay natumba. Napahiya siya kaya't tumakbo siya papalabas ng inyong silid-aralan. Ano ang maaari mong sabihin sa kaniya?

2. Kaarawan ng iyong nanay na isang beses lamang nakakauwi sa loob ng isang taon dahil nagtatrabo sa ibang bansa. May mga nakalinyang kailangang asikasuhin sa kumpanyang iyong pinagtatrabahuhan. Ano ang maaari mong sabihin sa iyong superyor?

3. Dalawang araw nang nakatambak ang basura ng inyong kapitbahay sa harapan ng inyong bahay. Ang masaklap pa nito ay nangangamoy na ang basura na naging dahilan ng maraming langaw at ipis na pumapasok sa inyong bahay. Paano mo kakausapin ang may-ari ng basura?

4. Inaanyayahan ka ng inyong punong barangay upang magbigay ng maikling mensahe tungkol sa "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan". Ngunit hindi ka makakapunta dahil ang araw na iyon ay araw din ng iyong pagtatapos. Ano ang sasabihin mo sa inyong punong barangay? dati mong

5. Inutusan ka ng iyong guro upang bumili ng bolpen ngunit bigla kayong nagkita ng kaklase. Napasarap ang kuwentuhan ninyo kaya nawala sa isip mo na may iniutos pala sa iyo. Paano ka hihingi ng paumanhin sa iyong guro?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.