Questions


September 2022 2 2 Report
Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
a. 1Aktor
b. Iskrip
c. Tanghalan
d. Manonood
2. Sila ang nagbibigkas ng dayalogo at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin sa dula.
a. Tanghalan
b. Gumaganap
c. Iskrip
d. Dula
3. Ito ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
a. Aktor
b. Tauhan
c. Direktor
d. Eksena
4. Ito ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
a. Kakalasan
b. Kasukdulan
c. Tunggalian
d. Labanan
5. Ito ay climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Kasukdulan
d. Sulyap sa suliranin
6. Ito ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kaniyang paligid, at tauhan laban sa kaniyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na tunggalian ang isang dula.
a. Tunggalian
b. Tauhan
c. Kakalasan
d. Saglit na kasiglahan
7. Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
a. Kasukdulan
b. Tunggalian
c. Kakalasan
d. Saglit na kasiglahan
8. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
a. Tauhan
b. Manonood
c. Tagpo
d. Eksena
9. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
a. Eksena
b. Tagpuan
c. Tauhan
d. Tagpo
10. Ito ay nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
a. Sanaysay
b. Balagtasan
c. Dula
d. Tula ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.