Questions


October 2022 1 5 Report
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong sagutang papel.

1. Alin ang HINDI tumutukoy sa kultura?
A. gawi
B. tradisyon
C. lipunan
D. nakasanayan

2. Ano ang mangyayari sa isang lipunan kung walang pagkakaisa?
A. Magtutulungan
B. Magbibigayan
C. magkakawatak-watak
D. magkakasama

3. Aling pagpapasya ang pinaiiral ng isang namumuno sa Lipunang Politikal? A. kapakanan ng iilan
B. kabutihang panlahat
C. sariling interes
D. mahigpit na pamamalakad

4. Paano mo masasabi na pinamamahalaan nang mahusay ang isang lipunan?
A. laging nangongolekta ng buwis
B. inuuna ang kapakanan ng sarili
C. isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
D. isinasantabi ang mga suliranin kinakaharap ng lipunan

5. Bakit pinaiiral ng pamahalaan ang mga batas na dapat sundin ng mamamayan?
A. upang magkaroon ng sistema at kaayusan sa lipunan
B. upang maisakatuparan ang iminungkahing batas
C. para magkaroon ng pagbabago sa lipunan
D. para maging alerto ang lahat

6. Anong katangian mayroon ang isang mahusay na pinuno?
A. mapagkakatiwalaan ng pamayanan
B. may angking talino at kakayahan
C. may higit na tiwala sa sarili
D. nakagagawa ng mga batas

7. Ano ang mangyayari sa isang barangay na apektado ng lockdown ng halos isang buwan dahil sa paglaganap ng COVID-19 Pandemic kung walang tulong na matatanggap mula sa gobyerno?
A. maghahanapbuhay ang mga tao
B. maghihintay ang mga tao
C. magbibigayan ang mga tao
D. mag-aalsa ang mga tao

8. Aling gawain ang tumutukoy sa prinsipyo ng pagkakaisa?
A. pagbabayad ng buwis
B. bayanihan
C. pag-aaklas
D. 4Ps

9. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa loob ng lipunan?
A. magkaroon ng kapayapaan
B. para maiwasan ang pagkawatak-watak C. upang maging matiwasay ang pamamalakad
D. pagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad

10. Sa paanong paraan uuunlad ang isang lipunan?
A. pag-aambag ng talino at lakas ng bawat kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan
B. pagsisikap ng mga kasapi lamang na mapaunlad ang lipunan
C. pagpupunyagi ng mga tao na makapaghanapbuhay
D. pagsisikap ng pangulo na umunlad ang lipunan ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.