Basahin at unawain ang tula. Bigyang pansin ang nais nitong ipahiwatig. Gawin ang mga sumusunod na mga gawain Kaibigang Aklat Mga pahina ng aklat, isa-isang binubuklat Bawat salita ay wari kong sinasalat Dulot sa diwa ay kayamanang sapat Halika kaibigan, ito’y iyong malasap Dito malalaman mga ginto sa kasaysayan Pakikibaka’t sakripisyo ng mga bayani nitong bayan Buhay nila’y ibinuwis- upang magtamo ng kalayaan Mga alaalang dapat lamang nating pangalagaan May kasaysayan sa Agham ang iyong matutuklasan Hindi magiging misteryo ang kabilugan ng buwan Mga planeta’t bituin iyo ring mapag-aaralan Gayundin kung saan nagmumula ang malamig na hangin Malalayong kaharian ay doon ka dadalhin Buhay ng mga Prinsesa at Prinsipe halina’t ating tunguhin Doo’y makakasama sila sa mga tugtugin at awitin Sa tulong nitong kaibigang aklat, sa isang iglap ito’y lalakbayin Ano pang hinihintay mo, ang aklatan ay tunguhin May bagong kaibigan halina’t ating basahin Walang hanggang karununga’y iyong tatamuhin Taglay nilang kagandahan tila mandin nagningning Kaya nga ba’t aklat ating alagaan Huwag sisirain at pababayaan Sa anumang oras na ika’y mangailangan Lagi itong handang ikaw ay damayan Hango sa Tulang “Aklat” National Children’s Book A. PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel. iupload ang iyong mga sagot gamit ang Add File Button. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Ano ang binigyang kahulugan sa unang saknong ng tula? 3. Ano-anong mga bagay ang matututuhan mula dito?Isa-isahin ang mga ito. 4. Bakit mahalaga ang aklat ? Paano ito mapangangalagaan? 5. Anong aral ang natutuhan mula sa tula na puwede mong ibahagi sa iba? B. Pagbaybay nang Wasto ng Salitang Natutuhan. Ayusin ang mga letra ng mga salitang ginamit sa tula at isulat ang wastong baybay nito. 1. mahAg ______________ 2. yankaya

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.