Questions


September 2022 1 1 Report
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad nito at isulat naman ang wastong sagot ng salitang nagpamali sa pahayag.

_________ 1. Ang Biag ni Lam-Ang ay epiko ng mga Ilokano.



_________ 2. Ang Florante at Laura ay halimbawa ng isang korido.



_________ 3. Ang elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim sa pagyao ng minamahal.



_________ 4. Tinatawag na pasalindila ang uri ng panitikan kapag ito ay isinalin sa pamamagitan ng bibig ng tao.



_________ 5. Ang oda ay tulang inaawit na nagbibigay-parangal o nagbibigay-pugay sa Diyos o sa Mahal na Birhen.



_________ 6. Gumaganap na pangunahing tauhan ng isang parabula ang mga hayop, halaman, puwersa ng kalikasan, at mga bagay na walang buhay.



_________ 7. Nilalaman ng isang talumpati ang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng madla.



_________ 8. May kuwento ng mga pangyayari at mga tauhang gumagalaw sa tulang pasalaysay ngunit ito ay nasusulat nang patula—may sukat at tugma.



_________ 9. Tumatalakay ang anekdota sa nakawiwili, nakalilibang, at patalambuhay na pangyayari sa buhay ng isang tao na magbibigay ng aral sa mambabasa.



_________ 10. Ang kasabihan ay isang maikling pangungusap na lubhang makabuluhan at matalinghaga, itinuturing na tuntunin ng kagandahang-asal, at naglalayong magbigay-patnubay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.