Questions


October 2022 1 8 Report
Basahin at unawain ang kwento.
Ang Debate sa Hapunan
Ni Diana G. Rivera
Alas sais ng gabi sa bahay ng Pamilya Montes ay naghahapunan ang buong pamilya. Tuwang tuwa ang magkakapatid na Anna, Perla at Shiela sa masasarap na pagkain na handa ng kanilang Inay. Sa kaugnayan sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho o unemployment sa bansa. kalagitnanan ng kanilang pagkain ay narinig nila sa telebisyon ang balitang may kalungkutan tungkol sa narinig. “Siguro hindi sila nakapag-aral kaya wala silang makuhang trabaho", ani Perla. "Mali ka Perla! Kasalanan nila kung bakit sila hindi nakapag-aral!", ang galit na pahayag ng panganay na si Anna. "Mali ka Ate! hindi mo dapat sila sisihin sapagkat hindi mo alam ang kanilang mga pinagdaanan!". ang mariing sabi ng bunsong si Shiela. At doon nagsimula ang pag-iingay at pagdedebate ng tatlong magkakapatid sa hapag-kainan. "Tama na yan!" ang biglang sabi ng kanilang tatay at nanay. “Walang tama o maling opinyon" ang sabi ng kanilang Ama. “Ngunit hindi lahat ng opinyon ay dapat nating ipahayag ng walang pag-iingat. Matuto kayong makinig at gumalang sa opinyon ng bawat isa bago kayo magsalita o sumalungat. Huwag din kayong agad humusga sa pinagdadaanan o nangyari sa inyong kapwa, dapat kayong maging sensitibo sa kanilang nadarama. Dapat kayong matutong magsabi ng opinyon ng may paggalang!” ayon sa kanilang ama. At dahil doon ay biglang natahimik ang magkakapatid at naipaisip na tama nga ang kanilang Tatay. "Sorry po Tatay at Nanay, naiintindihan po namin ang sinasabi niyo." ang sabi ng magkakapatid.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang tauhan sa kwento?
2. Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?
3. Ano ang iyong reaksiyon sa nabasang kwento?
4. Bakit kaya sa palagay mo ay magkakaiba ng ideya o opinyon ang magkakapatid na Anna, Perla at Shiela?
5. Sa iyong palagay, tama ba ang sinabi ng ama sa magkakapatid?
Ipaliwanag ang iyong sagot.​

Paki-ayos po ang sagot :)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.