Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang SULONG kung ito ay nagpapahayag ng pagiging responsable sa pagtupad sa pangako at URONG naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Umalis si Berta nang hindi ginagawa ang kaniyang tungkulin sa mga gawaing bahay. 2. Humingi ng paumanhin si Lester sa kaniyang kaibigan ng minsan hindi ito nakasipot sa kanilang kasunduan. 11 3. Inimbita ka ng iyong matalik na kaibigan sa kaarawan ng kaniyang lolo at nangako ka na pupunta ka dahil ikaw lang inaasahan na bisita ng iyong matalik na kaibigan. Dumating ang araw ng kaarawan at tinamad ka na pumunta dahil wala kang naihandang regalo. 4. May pupuntahan ang iyong nanay at inutusan ka niyang maglinis ng bahay habang wala siya. Pinangako mo na pagdating niya ay nagawa mo na ang kaniyang ipinag-uutos. Ngunit naglibot ka at kinalimutan mo ang iyong tungkulin. 5. Tinupad mo ang pangako mo sa iyong lolo at lola na bibilhan mo sila ng kanilang paboritong meryenda. 6. Alam mong bawal lumabas at makihalubilo sa ibang mga tao ngayong mataas pa rin ang peligro na dulot ng COVID-19. Ngunit dahil naiinip ka na sa loob ng bahay ay sumuway ka sa kautusan ng pamahalaan. -7. May usapan kayo ng kamag-aral mo na sabay kayong gagawa ng takdang- aralin sa asignaturang Science. Hinintay kaniya sa silid-aklatan ngunit hindi ka sumipot. 8. Napagkasunduan ninyo ng mga kaibigan mo na tutulong kayo sa programang Clean and Green ng inyong barangay. Maaga kang nagising at naghanda upang makasama sa programa. 9. Nagpaliwanag ka at humingi ng dispensa sa lider ng inyong choir ng minsan mahuli ka ng dating sa inyong pagsasanay. -10. Ginawa mo ng buong husay at galak ang iyong tungkulin bilang halal na pangulo ng inyong klase.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.