Basahin at unawain ang bawat aytem.

1. Sa pangungusap na: “Talagang nakadidismaya, may mga mambabatas na

sumusuway sa R.A. 9211 o Tobacco Regulation”, aling salita ang nakatulong upang

mahikayat o makumbinsi ang mambabasa o tagapakinig?

A. batas B. mambabasa C. sumusuway D. talagang

2. Ano ang layon ng paggamit sa pangungusap ng mga katagang; sa totoo lang, tunay,

talaga?

A. Pagbibigay ng buod

B. Paglalahad ng paksa

C. Pagpapatotoo at panghihikayat

D. Pagsunud-sunod ng mga pangyayari

3. ____, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa

patlang upang ito ay mapatotohanan.

A. Sa tingin ko B. Sa totoo lang C. Talagang D. Tunay na

4. “Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit

natatakot din kaming baka isang araw ay hindi n’yo na kami pansinin”. Anong pang-

ugnay na nagpapatotoo ang ginamit sa pangungusap?

A. baka B. Sa totoo lang C. subalit D. upang

5. Alin sa mga sumusunod ang salitang hindi hiram?

A. Assalamu Allaikum B. Datu C. Pinuno D. Rajah​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.