Basahin at suriin ang tula sa ibaba.



Noon at Ngayon



Kuwento ni Inay

Noong sila'y bata pa

Tingin lang ni Lola

Sila'y tumatahimik na

Respeto sa magulang

Kitang-kita sa kanila.



Ngayon daw ay iba na

Ugali ng mga bata

Pagsabihan mo't sawayin

Sisimangutan ka na

Iba'y magdadabog pa

Paggalang ba'y wala na?



Higit na mabait

Mga bata noon.

Mas malaya naman

mga bata ngayon.



Bakit nag-iba?

Dahil ba sa panahon?

Ang sagot diyan.

Ikaw ang tumugon.
1. Ano sa palagay mo ang sagot sa tanong na iniwan sa huling bahagi ng tula?
2. Anong karunungang-bayan ang maiuugnay mo sa tulang iyong binasa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.