Basahin at suriin ang dayalogo ng dalawang tauhan. Punan ang patlang ng wastong gamit ng wika sa
lipunan batay sa kanilang mga pahayag.
Malou: Emma, kumusta ka na? (11. _________)
Emma: Uy, Hi, Malou! (12. _________) Mabuti naman. Ilang taon na ba nang huli tayong
magkita? (13. _________)
Malou: Maglilima na yata. No’ng graduation natin ang huli nating pagkikita.
Emma: Ikaw, kumusta naman? (14. _________)
Malou: Eto, medyo hindi mabuti. Pinagkaitan ata ako ng tadhana eh. Hindi na nga pinalad na
makilala ang aking prince charming, nagbibilang pa din ng poste sa ngayon. (15.
_________)
Emma: Sa palagay ko, sinusubukan ka lang ng kapalaran. Darating din ang suwerte mo. (16.
_________)
Malou: Teka, ano na ang trabaho mo ngayon? (17. _________) Mukhang big time ka na ah.
Ganda ng attire mo eh. Professional na professional! (18. _________)
Emma: Naku, hindi naman. (19. _________) Personnel officer ako ngayon sa isang kompanya rito
sa Malabon.
Malou: Uy, tulungan mo naman akong makapasok sa kompanya ninyo. Please! (20. _________)
Emma: Ay, tamang-tama! Kailangang-kailangan naming ng mga sales representative ngayon. Sa
palagay ko puwedeng-puwede ka roon. (21. _________)
Malou: Naku! Emma, hulog ka ng langit sa akin. (22. _________) Sa palagay ko, pinagtagpo
siguro tayo ng tadhana ngayon. (23. _________)
Emma: Naks! Ang lalim noon ah! (24. _________)
Malou: Paano ba ang pagpunta sa kompanya ninyo? (25. _________)
Emma: Madali lang. (26. _________) Sumakay ka lang ng dyip mula rito papuntang McArthur
Highway. Sa Barangay Potrero, bumaba ka sa harap ng Potrero Elementary School,
tapos, sumkay ka ng traysikel. (27. _________) Pahatid ka sa drayber sa Mutya
Publishing House. Nasa third floor ako. (28. _________)
Malou: Sige. Sa lunes ng umaga asahan mo ako.
Emma: Sige. Ingat ka ha. (29. _________)
Malou: Salamat ha Emma. (30. _________)
Answers & Comments
Answer:
Ano po answer .. need lang po