Basahin ang tulang nasa ibaba.
Kulturang Pilipino ni Jessica A.
Pura Bawat pangkat etnikong Pilipino ay may kulturang pinahahalagahan, May sariling awit, sayaw, sining, laro, at kuwentong-bayan, May iba-ibang paniniwala, pagpapahalaga at kani-kaniyang tradisyon, Lahat ng ito ay nagpapakita ng pagka-Pilipino noon at ngayon. Sa Luzon, Visayas, Mindanao, iba-ibang pangkat etniko ang naninirahan. Sa kanilang sayaw at awit ay makikita na ang kanilang mga katangian. Mga awit na may iba- ibang himig na kultura ang pinagbatayan. Sayaw na may indak na hango sa kuwento ng kanilang bayan. Ang mga Bikolano at Ilokano ay mga pangkat etniko sa Luzon. Bikolano’y may awiting Sarung Banggi at sayaw Pantomina de Sorsogon. Kilala sa awiting Manang Biday at sayaw na arikenken ang mga Ilokano. Ito’y isa nilang tradisyonal na sayaw na kilala rin sa tawag na pandanggo. Ilan sa mga pangkat etniko sa Visayas ay ang Ilonggo at Cebuano. Sayaw Rosas Pandan at awiting Matud Nila’y bantog sa Cebu. Ang mga Ilonggo ay may awiting Dandansoy at sayaw na Cariñosa. Mga indak at laro na sumasalamin sa kanilang kultura.Ang mga Maranao at Tausug ay mga pangkat etniko sa Mindanao. Sa sayaw na Singkil at awit na Darangan bihasa ang mga Maranao. Ang mga Tausug naman ay bantog sa sayaw na Dalling-dalling May awit silang Ayaw Kaw Magtangis na bahagi ng kanilang sining. Makulay ang kultura ng bawat pangkat etnikong Pilipino. Sa kanilang mga sayaw at awit ay makikita na ito. Magkakaiba man, lahat ay may damdaming pagka-Pilipino. Kailangan ang paggalang upang di-pagkakaunawa’ay maiwasto.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng tula? ___________________________________________________________

2. Ano-ano ang bumubuo sa kultura ayon sa tula? ___________________________________________________________

3. Saan nakabatay ang himig ng awit ng mga Pilipino? _______________________________________________________

4. Bakit kailangang igalang ang kultura ng bawat pangkat etnikong Pilipino? ___________________________________________________________ _______________________________________________________

5. Paano mo maipakikita ang paggalang sa kultura ng ibang pangkat? ___________________________________________________________ _______________________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.