Basahin ang tula.
GABAY SA KALUSUGAN
Isa sa tungkulin nating mag-aaral
Panatilihing malusog ang ating katawan
Gawain sa araw-araw ay magagampanan
Magandang pamumuhay ating makakamtan.
Mga guro sa paaralan, itinuturo sa atin
Ang ilang mahalagang mga tuntunin
Tungkol sa kalusugan nararapat na sundin
Na sa araw-araw nagiging gabay natin.
Kumain sa tuwina masustansiyang pagkain
Panatilihing malinis , tubig inumin
Sa mga langaw, alikabok , pagkain ingatan din
At sa manggagamot laging magpatingin.
Ugaliing malinis ang kapaligiran
Sa tahanan, paaralan gayundin sa pamayanan
Itapon ang basura sa kaukulang lugar
Upang sakit at epidemya ating maiwasan.
Kung ang mga ito'y susundin, tatandaan
Mga batang malulusog ating mamamasdan
Malayo sa sakit ,mga karamdaman
Kaya sila'y hiyas ng ating lipunan.
Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang paksa ng tula?
2. Ano-anong tuntuning pangkalusugan ang nabanggit sa tula?
3. Bakit kailangan angmalusog na katawan?
. Ikaw ba ay malusog? Magbigay ng palatandaan.


Pasagot pls.thank you po! ;D​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.