Basahin ang tula at sagutin ang mga kasunod na mga tanong sa iyong
PANGALAGAAN...PINAGKUKUNANG-YAMAN
Arlene Jane E. Javier
Napagmasdan mo na ba ang ating kapaligiran?
Ito'y nababalot ng hiwaga at pagpapala sa sanlibutan.
Puno at hayop sa kagubatan, mga isda sa katubigan
Ilan lamang ito sa mga likas na yaman.
Likas na yaman, tunay na kayamanan.
Pangunahing pinagkukunang-yaman at kabuhayan
Pangangalaga pairalin mo sana sa tuwi-tuwina
Nang buhay maging maunlad at masagana.
Tanging hiling ng Inang Kalikasan,
Huwag putulin mga puno sa kagubatan
Basura mo'y huwag itapon sa katubigan
Nang susunod na henerasyon ay may maabutan.
Kaya kabataan, pag-asa ng bayan,
Pakiusap sana, imulat ang kaisipan
Pangalagaan mga pinagkukunang-yaman
Biyaya ng Maykapal na dapat pahalagahan.
Mga Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
2.bakit nasabing ang ating kapaligiran ay nababalot ng hiwaga?
3 ayon sa tula ano ang tanging hiling ng inang kalikasan?
4.bakit itinuturing na kayamanan ang mga likas na yaman?
5.bilang isang kabataang pag asa ng bayan paano mo maipapakita ang pangangalaga sa mga pinagkukunang-yamang at kabuhayan?.
Answers & Comments
Answer:
1.Ang ating kapaligiran
2.Dahil puno at hayop sa kagubatan at mga isda sa katubigan
3.Ang tanging hiling ng kalikasan ay ingatan ang kapaligiran
4.Dahil ang una nating pinagkukunan ng makakain ay sa kapaligiran
5.Dapat ay may respeto tayo sa pagtatapon ng basura dahil kung wala ang kalikasan wala rin tayo
Answer:
1. Ang ipinahihiwatig nito ay tungkol sa ating kapaligiran at mga likas na yaman.
2. Dahil ang mga puno, hayop sa kagubatan pati mga isda sa katubigan ay iian lamang sa mga likas na yaman.
3. Ang tanging hiling lamang ng inang kalikasan ay ingatan ang ating Kalikasan. Isa na dito ang wag putulin ang mga puno sa kagubatan.
4. Dahil ito ay biyaya ng Maykapal na dapat nating pahalagahan.
5. Hindi ko aabusuhin ang likas na yaman dahil ito ay kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dapat tayong kumilos upang maayos natin ang mga suliranin sa usaping kalikasan. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha at mga “landslide” na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan at para na rin mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan ang “global warming”. Iwasan din nating magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. At para rin hindi dumumi o mamatay ang yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita sa pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang ang mga ilang halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay ng kalikasan.
Kaya habang hindi pa huli ay dapat na nating pigilan ang mga gawaing illegal sa ating kalikasan, puksain ang mga ito. Huwag hayaang magpatuloy pa ito. Na sa huli ang pagsisi natin dahil hindi natin napigilan ito.