Basahin ang tekstong "Kabayanihan ni Enteng"
"Kabayanihan ni Enteng"
Noong Hulyo 12, 2000, isang kagimbal gimbal na trahedya ang nangyari sa Payatas sa Lungsod ng Quezon. Umabot
sa halos 12.000 naghihikahos na pamilya ang napinsala nang gumuho ang dambuhalang bundok ng basura. Tinatayang
umabot sa 217 tao ang namatay sa pangyayaring ito at maraming pamilya ang nawalan ng bahay.
Ang mga pangyayaring ito sa Payatas ay nagpakilala sa kabayanihan ng isang batang bayani na si Vicente "Enteng"
Tagle
Nang mangyari ang trahedya, si Enteng ay sampung taong gulang pa lamang. Si Enteng at ang kanyang pamilya ay
nakatira sa tambakan ng basura. Dahil sa kahirapan ng buhay, namulat siya sa maagang pagtatrabaho. Ngunit kahit salat
sa maraming bagay ang bata, mulat si Enteng sa kahalagahan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya at
kapuwa. Panganay siya sa anim na magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Rosalinda na dating tumutulong sa
isang day care center at Stimson na isang construction worker.
Nang mangyari ang pagguho ng bundok ng basura, agad na naisip ni Enteng na kailangang maging ligtas ang
kanyang isang taong gulang na kapatid. Kaya sa gitna ng pagkakagulo ng mga tao, mabilis niyang pinuntahan sa kwarto
ang kapatid. Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid habang naririnig nila ang nakakabinging pagguho ng bundok ng mga
basura
Pagkaahon nila ay tuluyan nang gumuho ang kanilang bahay. Pagkatapos ay narinig naman ni Enteng ang pag-iyak
ng isang walong taong gulang na bata na si Kikay, ang kanyang kalaro na natabunan na ng mga guho.
Noong Setymbre 2002. isa si Enteng sa itinampok sa Reader's Digest Everyday Heroes bilang "The Little Rescuer" Siya
ang kauna-unahang Pilipinong napabilang sa Everyday Heroes
Kahango-hangang isipin na ang isang batang katulad ni Enteng ay nakapagligtas ng buhay ng mga kapuwa rin niya
bolo. Songounion Alabino s pohino 228 229.)
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel o kwaderno.
1. Paano naipamalas ni Enteng ang kabayanihan sa kwento
2. Kung ikaw si Enteng gagawin mo rin ba ang katulad ng ginawa niya?
3. Bilang isang bata sa ikalimang baitang, sa paanong paraan ka maaring magpamalas ng kabayanihan sa ating
bayan
Answers & Comments
Answer
1.Naipamalas ni Enteng ang kabayanihan sa pamamagitan ng paglitas sa kanyang kapatid at kay kikay mula sa gumuhong bundok ng mga basura
2.Kung ako si Enteng gagawin ko rin ang kanyang ginawa dahil yun ang tama
3.Bilang isang bata sa ikalimang baitang maipapamalas ko ang aking kabayanihan sa ating bayan sa pamamagitan ng pag tulong sa kapwa at pag gawa ng mabuti.
Explanation:
Yan na answer hayst -_-