Questions


November 2022 2 2 Report
: Basahin ang tekso at ayusin ang mga pangyayari ayon sa kronolohikal na pagkakasunud-sunod. Lagyan ng bilang 1-4.
Ang Masipag at Maaasahang Tindera
Limang taon pa lamang si Rita ay kasa-kasama na siya ni Aling Petra sa pagtitinda sa palengke. Tumutulong siya sa pagtitinda. Pagsapit niya ng pitong taon ay marunong na siyang magsukli mag-isa. Humanga sa kaniya ang mga kapitbahay nila. Noong siyam na taon na si Rita ay naiiwan na siyang mag-isa sa tindahan dahil marunong na talaga siyang magtinda. Maagang gumigising, nagbabantay ng tindahan habang namimili ng gulay na ititinda ni Aling Petra. Masipag siya at matulunging bata. Lalo pang kinakitaan ng ibayong sipag si Rita nang sumapit ang kaniyang ikalabingwalong taong kaarawan dahil nagbukas na siya ng kaniyang sariling tindahan upang makatulong sa pamilya. Kaya naman tinawag siyang masipag at maaasahang tindera ng lahat sa kaniyang paligid.
_____ Si Rita ay naiiwang mag-isa sa tindahan dahil marunong na talaga siyang magtinda.
_____ Hanggang sa huli, si Rita ay nakapagbukas na ng sarili niyang tindahan.
_____ Sa pagtulong niya sa pagtitinda natuto siyang magsukling mag-isa
_____ Kasa-kasama ni Aling Petra sa pagtitinda sa palengke si Rita.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.